Chapter 23

32.2K 467 46
                                    

Chapter 23

 

 

“Brent, ito na ‘yung assignments mo sa physics tapos andyan narin yung project mo para sa Calculus niyo.”

 

Masayang bati ni Kareeza sa gwapo nitong nobyo. Proud niyang inabot kay Brent ang dalawang folders at notebook nito sa kanya pero mataman lang itong tiningnan ni Brent at bumalik ulit sa pakikipag-usap sa isang cheer leader. Napasimangot si Kareeza. May halong tampo itong tumalikod kay Brent at prenteng umupo sa di kalayuang upoan ng kanyang nobyo.

 

Isang taon at limang buwan nang may relasyon si Brent at Kareeza at masasabi mo talagang isa ito sa mga fairytales na gustong maranasan ng isang babae. Si Kareeza ay isa lamang typical na estudyante na na in love sa isang player ng soccer at chess. Simple lang siya at katulad ng ibang babae ay pangarap rin niyang magkaroon ng isang prince charming na magliligtas sa kanya sa lahat ng problema.

 

Sa unang buwan nilang magkasintahan ay talagang masaya si Kareeza. Walang araw na hindi siya binibigyan ni Brent ng bulaklak. Marami ang nainggit sa kanya – halos kalahati ng populasyon ng school – kung kaya’t madalas rin siyang napapasok sa trouble. Pero dahil na rin sa kasikatan ni Brent ay naiwas siya sa mga gulo. Masayang masaya siya kasi bukod sa meron siyang masayang pamilya ay nagkaroon rin siya ng too-good-to-be-true na boyfriend.

 

Lumipas ang walong buwan ay bigla na lamang nagbago si Brent. Hindi na ito madalas pumapasok at hindi na rin siya nito kinukuha at hinahatid sa bahay. Pagka tinatanong naman niya ay madalas sigaw at insulto ang natatanggap nito.

 

“Class, may bago kayong classmate. Galing siya sa ibang university pero lumipat siya dito sa’tin dahil sa dito narin naka destino ang pamilya nila.” Natahimik ang buong classroom dahil sa anunsyo ng kanilang guro. “James? Pasok ka iho.”

 

Napalingon lahat ng estudyante sa may pinto ng classroom, at doon lumabas ang isang maputing lalaki na may suot na malaking eyeglass. Napangiti si Kareeza nang magtama ang tingin nilang dalawa. Halata kasi sa tikas nito na mabait ito at pala kaibigan.

 

Pumunta sa center stage si James at ngumiti.

 

“Hi, I’m James Francis Esguerra.”

 

Natawa nalang si Kareeza dahil sa pagiging mahiyain ng bago niyang classmate. Pagkatapos magpakilala ni James ay tinuro na ng guro ang upoan nito. Masayang masaya si Kareeza nang umupo ito sa tabi niya.

 

“Hi! Kareeza nga pala.” Naglahad agad siya ng kamay kay James pero nag-iwas lang ng tingin ang binata. Natawa si Kareeza dahil sa namula ang kausap niya. Mas lalo niyang napatunayan na mabuti itong tao.

 

Lumipas ang ilang buwan ay naging malapit sila ni James. Minsan naging tutor niya ito sa ibang subjects lalo na sa mathematics. Matalino naman si Kareeza pero may pagkakataon talaga na hindi niya naiintindihan ang lessons at si James lang naging sandalan niya doon.

 

“Pare, ang talino nung James ah. Naging top ang school natin national dahil sa kanya. Rinig ko kay Ma’am isasali daw siya sa chess competition.” Nagsalubong ang kilay Brent dahil sa binalita ng kanyang kaibigan.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now