Chapter 10

46.8K 619 51
                                    

Hi crazyMean, thanks for reading BMP! This is for you. :)

P.S. May iba po akong di mabibigyan ng dedic kasi di po kayo naka-follow eh. Just sayin'.

 

x

CHAPTER 10

 

 

 

Kareeza’s POV

 

Sabi nila love is all about acceptance pero mali eh, para sakin, love is all about changing for the better. Yung tipong gagawin mo lahat ng bagay para sa ikasasaya ng mahal mo. Ganon ako ngayon at alam kong hindi ito magiging madali sa parte ko. Pero wala akong pakialam. Magbabago ako para sa kanya hindi para sa iba.

“Hello Kareeza?” Tumango lang ako saka nilagpasan ang isang senior.

“Ah.. Hi! T-teka, Y-yui?” Ngumiti lang din ako sa isang estudyante na di ko kilala.

Napabuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy na naglakad papasok ng school. Di ko alam kung ilang estudyante na ang nilagpasan ko na may laglag na panga. Yung iba naman kahit hindi nagsasalita, alam kong nagtataka parin sila. Sino namang hindi diba?

For the nth time, huminga ako ng napakalalim bago pumasok sa classroom.

Pagkapasok ko palang, laking tuwa ko na kasi wala pa si Nate. Ito yung subject namin kung saan kaklase ko siya kasama ang bestfriend ko.

“Hi, Mica!” kumaway ako sa kanya bago siya nilapitan.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Muntik na kasi niyang mabuga ang iniinom niyang tubig. Sayang, malapit pa naman si Karen sa pwesto na yon. Bulls eye sana. LOL!

“B-bes?!” nagpunas muna siya ng mukha bago tumayo at tingnan ako ng mas maigi.

“Holy Shi-may! W-what happened to you?!” napangiwi na naman ako nang marinig ko ang matulis niyang boses. Tsk. Di ko mapigilang ngumisi. Alam kong magmumura na sana siya pero napigilan parin niya. Same old Micaela. Naïve and stupid. LOL.

“What? Is it bad?” pinaikot ko pa ang dalawang mata ko para iparating sa kanya na naiirita ako.

Tsk. Alam ko namang mangyayari ‘to eh. Like what the hell? I’m Yui Kareeza pero heto ako ngayon. Ni isang bakas sa dating Yui ay wala na.

“Why are you wearing a shirt? I mean with matching skinny jeans? May sakit ka ba?” di ko na napigilan ang sarili ko sa pagsapak sa kanya. Bwesit.

“T-tsaka, asan ‘yung heels mo?” ni hindi man lang niya ininda ang pagsapak ko sa kanya.

Bahagya niyang inangat ang kamay niya at dinama ang noo ko. Tss. At talagang iniisip niya na may sakit ako ha?

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon