Chapter 75

966K 40.2K 19.5K
                                    

Author's Note: Tuesday po ulit... Plano kong mag-update ng 10 chapters pero bago ko magawa yun kailangan ko ng mahabang panahon. Okay lng ba? Ready po kyong maghintay ng matagal?

+++++++++++++++++++++++++++++

Truth

Jay-jay's POV

Ang sakit ng katawan ko! Nanginginig ang tuhod at kamay ko. Kumikirot din ang ulo ko.

Nagising ako na parang tumambling ako sa kung saan. Hindi ko alam kung anu yung nangyari. Sinubukan kong gumalaw at dun ko lang napansin na may nakayakap sakin mula sa likod.

Halos nakapahiga ako sakanya. Nakaipit yung dalawang braso ko sa yakap na yun kaya hindi ko maigalaw ang kamay ko.

Mahigpit yung yakap at parang ang lalim ng hininga nung nakayakap sakin. Pilit kong sinilip kung sino yun.

Keifer?

Nakapikit sya at naghahabol ng hangin. Dumudugo ang nguso at ilong nya.

"K-Keifer?" Bulong ko.

Dumilat sya at bigla nalang hinigpitan ang yakap sakin.

"A-aray... B-bitiwan mo na ko..." Sabi ko habang nagpipilit magpumiglas.

"Hindi... Hanga't hindi ka humihinahon." Sagot nya sakin.

"Mahinahon ako."

Bahagya nyang niluwagan ang pagkakayakap sakin pero hindi pa rin sya bumibitaw.

Bakit ba ganito yung posisyon namin?----teka! Si Ram.

"Asan si Ram? Anu ng nangyari?" Tanung ko sa kanya.

Hindi sya sumagot pero lumipat yung tingin nya sa ibang direksyon. Sinundan ko yung tingin na yun at nakita ko si Ram.

Pero ibang Ram, puro dugo at parang wala ng buhay.

S-sandali! A-ako ba may gawa nito?!

Bigla nalang akong nanginig sa takot. Ako may gawa nito! Ganyan din ang itsura ni Cyrus paggising ko nuon. Tinignan ko yung kamay ko na sobrang kirot at nanginginig sa sakit. Puro dugo din yun.

Hindi! Naulit na naman!

Inikot na pilit ni Keifer ang katawan ko para makaharap sa kanya. Sinubsob nya yung muka ko sa dibdib nya.

"Buhay pa sya... Humihinga pa sya." Bulong sakin ni Keifer.

Kusang pumatak ang mga luha ko. "A-ako ba may gawa nyan?"

Hindi nagsalita si Keifer. Alam kong naguguluhan sya sa tinanung ko.

"O-oo.." pilit nyang sagot.

Napa-iyak nalang ako sa sinagot nya. Anu bang nangyayari sakin? Bakit ko ginagawa to? Nanakit ako ng tao ng hindi ko alam.

Pare-parehong muntik ko ng mapatay. Yung Tatay ni Aries, si Cyrus at ngayon si Ram.

"Sssshhhh... Wag kang umiyak. Pinagtanggol mo lang ang sarili mo at ako."

Sana nga yun yung ginawa ko. Sana nga ganun lang kadali isipin yun. Pero hindi ko mapigilang umiyak.

"K-keifer... Sabihin mo sakin ang totoo."

Gusto kong malaman yung nangyari. Pagod na kong gugulin ang oras ko sa pag-iisip ng ginawa ko at kung bakit wala akong maalala.

"...Anung ginawa ko?"

+++++++++++++++++++++++++++++

Aries's POV

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon