*Chapter 3 Forever and Always

18.5K 206 36
                                    

*Chapter 3

Nath's POV

> Gising na ganda. I love you. Ingat sa pag pasok. Im on my way na sa work.

Sino ba naman hindi mapapangiti pag gising mo. Mababasa mo ang text ng mahal mo. Bumangon na ako para makapag handa na para sa pag pasok sa work.

< im awake na babe. I love you. Cant wait to see you gorgeous. :) Namimiss kita every minute.

Hinihintay ko ang text ang reply niya pero wala na. Nakatulog siguro sa bus. Thankful naman ako at hindi nagbabago ang sched namin. Lage kame sabay umuuwi pero pag pasok nauuna siya. Diretso na sinasakyan niyang bus kasi. Kahit inaantok pa ako bumangon na ako at lumabas para kumain. Hindi ko mabuksan masyado ang mata ko dahil nasisilaw ako sa ilaw. Familiar yung boses na naririnig ko. Ang lakas ng tawanan nila ni Nick. Yung tawang yun na nakakahawa pag narinig mo. Parang bata. Nasurprise ako. Kaya nag madali ako bumaba.

"Good morning sis! May sundo ka oh. Kanina ka pa hinihintay. " Pambungad na sabi ni Nick

Parang na glue naman ang labi ko dahil hindi ko matanggal sa pagkakangiti. At grabe bigla ako nagising ah. Wide open na ang mata ko. Bago siya tumayo sinundot niya muna si Nick sa tagiliran. Loko-loko talaga. Mas close pa sila saakin.

"Ano ba naman yan ateng! Nakikiliti ako dyan. Virgin pa ako! Haha." Reklamo ni Nick

Natawa nalang kame ni Erin. Malandi pa kasi saakin si Nick eh. Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi.

Napakanta si Nick:

"haba ng hair! Nag rejoice ka ba girl.?" 

Isa pa tong panira ng moment eh. Tinignan ko lang siya ng nakakasugat kaya nanahimik. Takot padin talaga saakin ang kapatid ko.

"Good morning babe. Ang ganda mo pag bagong gising. Pakiss ako sa lips dali. " Sabi niya ng bumubulong. May baklang epal kasi sa paligid.

Ngumuso ako sakanya at agad naman akong hinalikan ng mabilis. Di naman napansin ni Nick kasi busy sa pagtetext.

"May dala ako. Luto ni mama natin. Kainin mo ha? Kaso sorry tinikman na ng magaling mong kapatid eh. Haha." Sabi ni Erin ng nakangiti.

"Arggh. Nick naman. Akin yun eh. Thanks babe. Lika kain tayo." Sabi ko.

"No thank you, Im full. Subuan nalang kita babe." Sabi ni Erin.

"Sounds good. Sige." Sagot ko.

"Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl?" Kanta na naman ni Nick.

Ayan sumingit na naman ang magaling kong kapatid. Tinaasan ko siya ng kilay,

"Sistah. Sabi ko na papasok na ako. Haha. Enjoy!" Sabi niya.

Buti naman nakakaramdam ng hiya ang kapatid ko. Nilagay niya sa pinggan yung pagkain at  umupo na kame sa table. Ang cute niyang tignan dahil napaka expert niyang mag kamay. Sinusubuan niya ako ng nakamay lang. Lalo tuloy sumarap ang kaen ko. May kiss pa. Saan ka pa diba? Matapos kumain niyaya ko na siyang samahan ako sa room. Maaga pa naman kaya pwede pa mag loving-loving ^_^

Feeling prinsesa ako dahil napaka gentlewoman ni Erin. Simple things like opening the door for me. Oh kaya iaabot niya ang kamay niya para tumayo ako sa pagkakaupo. Laging nakaalalay yung kamay niya sa likod ko pag naglalakad pero nakakatawa kasi, siya yung lage natatapilok oh kaya natitisod. And I find it really cute. Hindi ko maiwasan na hindi mapatawa. Sabi niya naman madapa na daw siya wag lang daw ako. Kasi daw nakakahiya. Eh pano pala siya? Nakakahiya din naman imagine ang ganda niya tapos pantay naman ang daan natitisod siya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon