*Chapter 38 - Take Time to Reminisce

9K 150 44
                                    

 

Erin's POV

Isang taon na din ang nakakalipas. Naging masaya na ako. Pakiramdam ko para akong bumalik ulit sa pagkateenager. In love na in love ako. Yep. Kami na. Sobrang pasasalamat ko at hindi nagsawa at di tumigil sa pagtitiwala si Cams sa akin.

Medyo matagal na din kaming di nagkikita ng TeamAnAn. Siguro busy na sila sa kanilang mga buhay. Si Nath wala na akong balita. Si manang kasi ang naghahatid kay Natty saakin pag weekends. Sabi ko kasi kay Natty bawal pag usapan ang mama niya pag nasa akin siya. Unless may isusumbong siya saakin. Isang taon kong hindi nakikita yun. I guess masaya na din siya ngayon.

Masaya din si Natty kahit sabi niya inagaw ko daw sakanya ang first love niya. Pero suportado naman ako ni Natty sa katunayan masaya siya sa akin. Sabi niya kung saan daw masaya ang mama niya ganun din siya kaya touch naman ako sa baby ko. Minsan nga tinulungan niya pa akong pumorma kay Cams pero natotorpe ako dati.

Kasama ko siya ngayon sa bahay ko. Niyaya ko siyang mag dinner.

"Sarap mo mag luto Erin ah. Natouch ako at pinaghanda mo pa talaga ako." Sabi niya.

"Haha. Talaga? Pinadeliver ko lang yan. Tamad akong magluto." Sabi ko.

"Hala. Naimpress pa naman ako. Okay na sana eh. Sana sinabi mo nalang na oo. Yan bawas pogi points yan. Haha" Sabi niya.

"Ay ganun ba? So hindi na ako pogi sa paningin mo?" Sabi ko.

"Hindi. Kasi you are gorgeous." Sagot niya.

"Ehem. Thank you. Hindi ko na kokontrahin baka kasi bawiin mo pa." Sabi ko.

Yung ngiti niya napaka ganda. Nakakawala ng pagod. Kahit mas bata siya saakin ay mas mature siya mag isip. Hindi ko maiwasan mapatulala sa ganda niya.

"Huy. . Laway mo!" Biro niya.

"San? (Punas bibig) wala kaya! Ikaw niloloko moko!" Sabi ko.

"Haha. Meron kaya. Di mo nakita?" Sabi niya.

"Wala no." Sabi ko.

Kinuha ko ang remote at sinindi ko ang radyo. Nagpatugtog ako ng romantic na kanta.

"Ehem..Miss Camille from outer space, will you dance with me?" Aya ko sakanya ng nakangiti.

"Ano ako alien? Alright Miss Erin from planetang kokey. Yes I will." Sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Yung pakiramdam ng kamay niya sa balat ko ay parang isang malakas na kuryente. At inumpisahan namin ang pagsasayaw. Para kaming sumailalim sa espirito ng musika. Hindi ko nacontrol ang sarili ko at niyakap ko siya.

"Cams. I love you." Sabi ko.

"I love you more Erin." Sagot niya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon