*Chapter 13

11.6K 169 50
                                    

Chapter 13

Camille's POV

Hi. I'm Camille. Please don't hate me guys. Wala naman ako naman ako balak agawin si Erin. At first inaamin ko gusto ko siya at gusto ko siyang mapasaakin. Pero nang mameet ko si Nath ramdam ko kung gano nila kamahal ang isat-isa. Kung gano alagaan ni Nath si Erin. Kung gano siya nagseselos, kung gano sila mag asaran sa harap ko. Bagay na bagay talaga sila. Kaya hindi na ako umiksena pa sakanila. Marunong naman ako lumugar no.

Again wala akong masamang intensyon sirain sila pero hindi ko mapigilan mahalin si Erin ng walang hinihinging kapalit. Okay na ako dun. Okay na ako na pinapayagan niya akong mahalin siya at alagaan siya. Yun na ang nagbibigay saya at fulfillment sa puso ko. Hindi ko naman talaga alam kung bakit ko siya nagustuhan at minahal ng ganito. Ang alam ko college palang gusto ko na siya. Caring kasi siya at gentle woman at gusto ko yung agwat namin sa age. Napansin ko din kasi mabaet siya at responsable. Kaso nagulat lang ako ng sinabi niyang may wife na siya.

Sa una hindi ko talaga alam ang magiging part ko sa buhay niya. Napakaliit nga ba naman kasi ng mundo talaga at nagkataon pa na magkikita kame sa dito sa US. Habang tumatagal parang nafifigure out ko na.

Gabing gabi na. Hindi pa ako inaantok. Chat ng chat saakin si Nath. Tinatanong niya si Erin kung kumusta na siya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero ayoko siyang mag alala.

>BFF! Hi. Sorry naiwan ko nakaonline pc ko. Now ko lang nabasa mga messages mo. How are you? Kumusta na ang inaanak ko? Don't worry about Erin. Nakita ko siya kanina busy lang siya. Wala na nga din kame time mag usap pero pinuntahan ko siya kahapon sa work niya. Okay na okay naman siya. Nananaba. Haha anyways sabi niya saakin wala siyang time ngayon. Pero pinapasabi niya na mag ingat ka.

Nakokonsensya na ako. Puro kasinungalingan ang ginagawa ko. Nagreply naman siya.

< Pasensya ka na ha kung medyo makulit ako. Nag aalala ako at miss na miss ko na kasi ang kaibigan mo. Nakakabaliw na -_- hinahanap na din siya ni Natty.
>Sorry bff. Yaan mo pagsasabihan ko siya.
<No need. Malaman ko lang na okay siya okay na din ako. Sana lang maalala niya ako batiin sa anniversary namin bukas. Hay.. I miss my Erin.
>Sus wag kang mag alala maaalala nya yun kaw talaga. At lagi ka niyang naiisip. I know. Okay ka na ha? Sige its geting really late. I'll sleep na. Wag ka ng mag alala okay lang siya alright?
<Yep. Okay thank you. Sorry sa istorbo. Goodnight.

Hays. Hindi ko naman gusto mag sinungaling sa kanya. Kaylangan lang talaga ayoko silang masira.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Erin.

"Erin! Ano bang ginagawa mo sa buhay mu? Hindi mo manlang mamessage ang asawa mo! Nag aalala na siya sayo!!" Sabi ko.

"Hello baby? Immmmm sorryyyy I can't hear you!!! Gonna call you later! Maingay dito. Bye!" Pasigaw na sabi ni Erin.

Mukhang lasing yata siya at tinawag akong baby ang masama pa parang nasa bar siya. Ang ingay ng back ground at andaming tao. Hay umiinom na naman siya. Lage nalang. Halos gabi gabi ang inom niya. Nahihirapan na ako pagsabihan si Erin di ko alam kung bakit siya nagkakaganun.

Humiga na ako sa kama at sinubukan kong matulog. Pero kahit ilang beses ako magpabali-baliktad sa kama wala padin. Di ako dinadalaw ni antok. Kinuha ko ulit ang cellphone ko. At tinawagan si Erin.

"Hello? Hey..sorry still busy. Wait lang ha hahanap ako ng lugar na tahimik." Sabi niya sa phone.

Parang yung boses niya iba na. Lasing na ata siya kasi medyo nahihirapan na siyang magsalita. Parang kinakaen niya na yung words. Maya mayang konte narinig ko na sa back ground na medyo tahimik na.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon