*Chapter 34 - Throwback

8.5K 159 51
                                    

Erin's POV

"Ano to? Hindi na uso ang teleponong yan. Hindi na yan gumagana oh wala ng linya. Adventure? San ang adventure diyan. Erin sabihin mo lang kung ipapakunsulta na kita. Natatakot na ako." Sabi ni Cams.

"Ha! Manahimik ka nalang muna pwede? Tinatakot mo yung bata. Nasa katinuan pa ako. Mag hunus dili ka lang masyado kang excited eh. Eto na nga mag dadial na ako. Kumapit kayo saakin. Baby. Hug me." Sabi ko sakanila.

"Ayoko nga. Kung joke ito hindi kita sasakyan." Sabi ni Cams.

Si Natty yumakap lang saakin.

"Ayaw mo? Bahala ka. Haha." Sabi ko.

Bihasa na ako sa phone na ito. Kahit di ko pakinggab ang voice prompts. Kahit ilang taon na ang nakakaraan.

"Sabi sayo walang linya oh. Eto nalang cellphone ko ang gamitin mo. Abot naman ang signal ng wifi dito at may load din ako!(May wifi na sa buong pinas)

"I said quiet. Malapit na matapos oh." Sabi ko.

Nang nafollow ko na yung voice prompts ramdam ko na ang parang vacuum cleaner na humihigop saakin. Hindi pa naman ganun kalakas.

"Baby, hold me tight and close your eyes. Ikaw din Cams!" Sabi ko.

Sumunod naman agad ang anak ko at si Cams ayaw sumunod. Nung napansin niya na hinihigop na kami ng phone booth napakapit nalang siya saamin. Yung pakiramdam ng pagsakay sa roller coaster ay nandun padin. Si Natty nakangiti pa kahit nakapikit. Si Cams naman hindi ko mapinta ang mukha. Nakakatawa.

Tapos bumagsak kame sa same place. Magkayakap kami at nakatayo na lumapag sa lupa. Si Cams halos nakasubsob na.

"Haha. Kita mo. Sabi ko sayo kumapit ka. Yan napapala mo." Sabi ko. Inabot ko yung kamay ko para tumayo siya.

Gulat na gulat siya sa nangyayare.

"Teka? Tanghali tayo umalis bakit napakadilim dito at mga ilaw lang sa lugar na puro kanto ang liwanag? Nasan tayo Erin? Yung totoo? Miyembro ka ba ng isang kulto?" Sabi ni Cams.

"Hahaha. Babalik tayo sa past. Yung phone booth ay isang time machine. Ano gets mo na?" Sabi ko kay Cams.

Si Natty mukang naeexcite sa nangyayare.

"Mama, really? Time machine is true? Let's go mama. I wanna kung pano niyo ako ginawa ni Mama." Sabi ni Natty.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya alam ang mga bagay na yun hindi niya maiintindihan. Haha.

Madilim na lugar at punong puno ng kanto. Yung sign board nadiyan padin.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon