*Chapter 20 - The Others

10.4K 141 30
                                    

*Chapter 20 - The Others

Andrea's POV

She's beautiful, sexy, smart and perfect. Kaya naman pala sobrang in love si Nath sa kanya. I finally met the girl na sa kwento ko lang naririnig.

Hindi ko inaasahan na ganun siya. I imagined the worst out of her. Kasi naman yung mga moments na sobrang lunkot ni Nath. Yung mga kwentuhan namin na kahit hindi sabihin ni Nath I know she's hurting. But when I saw them together the only word that came to my mind was perfect. They really complement each other kahit na saglit ko lang nakausap si Erin.

I have a revelation to make too. Straight ako. I mean sobrang straight. Mas straight pa yata sa ruler eh. But knowing Nath. She bent me totally and turned me into a circle. Well, yun ang naiimagine ko eh. She's sweet, smart and BEAUTIFUL. Nung una naisip ko normal lang na isiping humahanga ako sa kanya. Hindi naman masamang ma-appreciate ang magagandang bagay sa mundo. Hindi naman krimen iyon. But that simple admiration turned to something else. I just woke up one day na in love na din ako sa kanya. It just hit me like I was a targeted by a sharp shooter. Naramdaman ko na lang na mahal ko na siya. Palagi ko na lang siyang naiisip. Kahit kasama ko si ex- boyfie eh siya yung naiisip kong kasama. Yung sinasabi nilang butterflies in stomach? Hindi kaya yun totoo. Kasi yung naramdaman ko parang lahat ng spicies ng insecto nasa loob ng tiyan ko kapag kasama ko siya. Yung spark? Hindi din totoo yun! Kasi hindi lang spark eh. Parang isang lahat ng naipong kuryente sa electrict plant ang dumadaloy sa katawan ko whenever our skin touch.

Kaya lang sino ba naman ako kung ikukumpara kay Erin? Ano ba naman yung ilang buwan na pagkakakilala ko kay Nath compare sa years na binuo nilang dalawa? Lintik naman kasi oo! Bakit kasi? Bakeeeetttt! Bakit tinamaan ako ng pana ni kupido sa maling tao pa ako nakatingin. Sa taken pa! Grrr... At higit sa lahat, walang laban ang beauty ko dun kay Erin. Lamang siya ng 10 gazillion na paligo sa akin. Kapag nga yata itinabi ako sa kanya parang dumi lang ako sa Edsa.

So after our shift nga ay may "date" kami ni Nath. Haha! Epal lang noh? Last day na kasi niya so last epal ko na rin naman ito. Niyaya ko siyang maglunch at pumayag naman si Nath at Erin. Same naman kami ng schedule ni Nath pero sabi niya malelate siya ng labas. So ako eto at nasa pantry at hinihintay siya. After few minutes ay lumabas na rin si Nath. Ayun nanaman siya. Yung slow motion lahat ng nasa paligid niya. Haaay... Mahal ko talaga siya. Kaya lang wala eh.

"Tara?" Sabi ko.

"Yep. Saan ba tayo punta?" Tanong din niya.

"Basta. Sumama ka na lang." Sagot ko naman.

"Hala! Paano pala kung ipapasalvage mo ako sasama pa rin ako?" Sabi naman niyang natatawa.

"Hindi noh! You'll love the place na pagdadalan ko sayo." Sabi ko naman.

"Sure yan ha?" Tanong niya.

"Oo naman!" Sabi ko. Then we prepared to leave.

Huli na ito. Alam kong walang patutunguhan itong nararamdaman ko. I'll just make myself happy for the last time with her. Tapos kakalimutan ko na lahat. I know, hindi pa ngayon but I will defenitely find my one true love just like her.

------------------------------------------------------------

Camille's POV

It's been months since she left. I know I don't even have the right to miss her. Who am I to feel this way? Alam ko naman from the start na ako ang talo sa laban na ito. Well, hindi pa nga nagsisimula pero talo na ako. Parang pumasok ako sa isang war na walang dala kahit anong sandata. Wala kahit shield man lang. Ang tanga lang diba? Edi sana lahat ng nagmamahal ipabaril na lang sa luneta. Panigurado unang una ako sa pila.

It's never been the same. I never been the same. Everything will never be the same. Ang hirap naman kasi. Bakit sa kanya ko pa naramdaman ito? Bakit sa dame ng pwedeng mahalin siya pa? Bakit ba kasi ang sweet niya? Ang sarap niyang mahalin? Bakit ba sa tuwing kasama ko siya ang saya-saya ko? Sa tuwing kasama ko siya pakiramdam ko safe ako? Bakit ba sa tuwing maiisip ko pa lang siya nagpa-party-party ang puso ko? Bakit pa kasi si Erin pa? She's too perfect for Nath. At hindi naman ako impokrita na makitang masaya sila. Na sila ang dapat magkasama. Pero bakit hindi ko maalis sa puso ko ang konting pag-asa na pwede kami? Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko?

I made myself busy. Lalo ko lang papahirapan yung sarili ko kung bawat minuto ay iisipin ko siya. Makakamove on din ako. I know I will. I was in the office ng sabihan ako ng isa kong katrabaho na may naghahanap daw sa akin. Paglabas ko ay may isang taong naghihintay sa akin. Of all people naman ito pa ang nakita ko.

"Hello! You're Camille right?" Bati niya sa akin.

"Yes, and?" Balik kong tanong sa kanya.

"I'm Jessica. Erin's girlfriend. I haven't seen her for ages! I know she's your friend. Where is she?" Sabi nung babae.

"You're defenitely wrong. She has a WIFE so it's IMPOSSIBLE that you’re her girlfriend." Sabi ko with emphasis on words. Echoserang palaka naman ito.

"That's outragous! She's mine and only mine!" Paghuhuramentado ni Jessica.

Aba ang kapal din nitong babaeng ito. Dito pa mageskandalo sa trabaho ko. Sarap ipalapa sa leon eh.

"Well I don't care about WHAT you did. But those days are long gone. So please LEAVE NOW." Sabi ko pa rin sa kalmadong boses.

"It's only me who can have her!" Sabi pa rin ni Jessica habang palabas.

Anyare? Ako nga itong kaibigan hindi makapapel kay Erin, siya pa kaya? Hay naku. Erin! Kahit anong gawin ko lahat na lang may connection sa kanya. So I went back to my work. Ayoko na muna silang isipin. Sarili ko muna ang iisipin ko ngayon. Masyado na akong nasasaktan.

Work...

Bahay...

Ito ang naging routine ko paglipas pa ng ilang linggo. I also tried to date. May isa akong kasteady date ngayon. I hope she'll make me happy. I hope I'll learn to love her.

End of chapter

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon