Chapte 47 - Joy

8.1K 205 56
                                    

Erins' POV

 

Sa una naiinis ako sa kaistriktuhan ng hotel. Pero parang yun ang nagpapalapit saamin ni Nath. Ang weird lang talaga kung bakit lahat ng bagay at akma sa sitwasyon namin. Mula pag punta namin dito. Yung dalawa lang kami wala ang ibang sabi nila ay makakasama, tapos yung pagkasira ng heater. Pati ang pag punta namin sa restaurant parang planado dahil sa pinatugtog na kanta. Pero kahit ganun ay napanatili ko padin ang kontrol sa sarili ko. Ang alam ko kasi wala ng nararamdaman saakin si Nath. At ayoko na din talagang saktan si Cams. Pero nakakawala pala ng kontrol pag actual mo ng makikita na may kasamang iba si Nath. Ang masakit pa ay lalake. At mukhang manyak. Nakakainis bakit biglang sumasama sa taong hindi kilala si Nath. Hindi ko tuloy napigilan isigaw ang sinasabi ng puso ko na matagal ko ng tinatago. Na gusto ko akin lang siya.

Yung paghalik ko sakanya parang dumaloy ulit ang matagal ng natutulog na kuryente sa puso ko na nagbibigay buhay sigla sa katawan ko. Parang ang tagal kong lowbat at ngayon ay fully charge na. Masaya ako kay Cams pero iba pag si Nath. Happiness kay Cams pero joy and contentment naman ang nararamdaman ko ngayon kay Nath.

Parang habang hinahalikan ko siya bumalik lahat ng nararamdaman ko. Pati ang pagmamahal ko sakanya. Akala ko hindi na ako magiging ganito kasaya. Siya lang talaga ang nakakapagbigay saakin nito. Wala ng iba pa. Tama. Mahal na mahal ko padin siya. Hindi nagbago.

Sabi ng mga nagcomment paano na si Cams. Hindi ko alam. Ang alam ko mahal na mahal ko si Nath pero possible ba na mahal ko din siya? Hindi makatarungan yun diba? Gusto ko kung mamimili ako dun sa tao kung saan ako liligaya. Hindi ito pagiging selfish. Unfair kasi kung may kayakap ka nga iba naman ang nasa isip mo. Yung hindi mo manlang matutumbasan ang pagmamahal na mabibigay niya. Unfair talaga. Bakit ko ipagkakait sakanya ang makaramdam ng pagmamahal na matutumbasan ng pagmamahal niya na galing sa ibang tao? Alam ko may karapat dapat na taong magmahal sakanya. Akala ko matututunan ko siyang mahalin ng parang pagmamahal ko kay Nath pero hindi manlang mapantayan ng puso ko yung pagmamahal ko kay Nath ng iba. Laging parang may kulang. Mali na naman ako dahil makakasakit ako ng babae pag iniwan ko siya. Pero parang mas mali na ipilit ang bagay na hindi naman dapat. Medyo nalilito talaga ako pero ang puso ko isa lang ang gusto ngayon. Pag uwi ng Manila aayusin ko ang lahat. Lahat lahat. I know Cams would understand.

Isa na naman ito sa pag sisisihan ko. Bakit ko kasi hinayaang saluhin niya ako? Pero hindi ko talaga siya ginawang panakip butas. Maniwala kayo. Minahal ko din siya. Pero uulitin ko. Si Nath parin talaga. Nanumbalik talaga ang lahat sa isang halik lang.

"Babe. Ikaw parin." Sabi ko habang nakayakap sakanya.

"Eh ikaw eh! Nakakainis ka. Bakit hindi moko sinuyo eh!" Sabi niya.

"Aray. Makahampas ka ah. Hindi sinuyo? Eh kasi na..." Hindi ko natapos ang salita ko.

"Sssshhhh! Shut up. Oo na tapos na!" Sabi niya.

Natatawa ako sakanya. Ayan cute na naman siya.

"Hmm. Nathalie Belle Cruz? Mahal mo pa din ba ako?!" Sabi ko.

"Mahal na mahal Erin. Tanga lang ako noon pero mahal padin kita." Sabi niya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon