*Chapter 29 - Ruins

9.9K 194 53
                                    

POV ng isang DYOSA

Siguro nagtataka kayo kung sino ang dyosang ito na nagkukwento sa inyo. Huwag niyo ng alamin. Kapag nalaman niyo kung sino ako dadalawin ko kayo sa panaginip ninyo at sa ikapitong araw, alam niyo na ang mangyayari. Bwahahaha! Sa kwento na tayo ulit.

Kagaya nga ng sabi doon sa last chapter ay dumiretso sa coffee shop ang magkaibigan. Hindi maitago ni Erin ang takot. Ayan kasi. Gagawa ng sariling multo na kakatakutan. Oo nga past na yun pero wala namang past or present sa taong hitad hindi ba? Gagawa talaga sila ng paraan para makuha ang gusto nila. Ang persistent lang ni Jessica. Nagpunta pa talaga sa pilipinas para sundan si Erin. Ano readers? Kidnapin na ba natin? Ipasok sa sako at ipaanod sa Pacific ocean hanggang makarating sa US ulit? Kung pwede lang eh noh?

So balik tayo sa kwento, pagpasok pa lang ni Erin ay nahalata na ni Nath ang uneasiness niya.

"Babe napano ka?" Tanong niya.

"Ahh ehh babe wala naman." Sagot na lang ni Erin.

Dahil nasa likod niya si Cams ay tinignan ni Nath si Camille. Yung tingin na nagtatanong kung anong nangyari. Pero ngiti lang ang isinagot nito sa kanya.

Umorder na kape at blueberry cheesecake si Camille at pumuwesto sa malapit sa pinto ng shop. Syempre para kung sakaling pumunta si Jessica ay mahaharang niya agad. Kung pwede nga lang daw si Cams na ang papalit na security guard eh. Mabantayan niya lang ang mga papasok sa shop ng ating mga bida.

Ilang oras pa ang nakalipas, walang blond girl na lumapit sa shop. Sa totoo lang uneasy rin naman si Camille pero hindi niya pinapahalata. Nakuha pa nga niyang makipagchikahan kay Nath eh. Pwede na natin siyang bigyan ng best actress award.

Dahil naman sa tawag ng kalikasan ay nagpunta sa powder room si Cams. Naisip kasi niya na kung sinusundan talaga siya ni Jessica ay kanina pa sana yun sumugod. So parang first time in the moon sa bagal kumilos ni Cams ang pagpunta niya sa powder room.

Hindi pa siya nakakapasok ay nahagip sa pheriperal vission niya ang isang blond girl na mukhang bisugo na ewan na nagmamadaling pumasok sa shop.

Ang kasunod na pangyayari ay sadyang napakahirap sabihin sa inyo. Kung huwag ko na lang kaya i-kwento ang mga pangyayari? Napakasakit talaga eh. Pero dahil sadista ako ay itutuloy ko ang kwento.

Pagpasok ng babae na halata namang fake ang blond ay nadapa ito. Nakakahiya talaga dahil natapunan pa siya ng kape. Napakamalas naman talaga. Tinulugan siya ng mga crew nila Erin at pinapasok sa wash room. Kuntodo sorry naman ang mga bida natin. Nagkaroon tuloy ng gift check ang pobreng babae.

Lampa lang no? Kung ako kaya ang pumunta sa coffee shop nila at gumawa ng ganong eksena may gift check din kaya ako?

 

 

Matapos masaksihan ng lahat ang kalampahan nung babae ay pumasok na si Camille sa powder room. Nakalimutan niya na naiihi pala siya.

Ilang minuto lang ang nakaraan pero narinig niya sa labas na may naghuhuramentado na ingleserang palaka. Dali-daling lumabas si Cams. Natakot siya kasi baka si Jessica yun. Kung kelan naman kasi naiihi siya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon