*Chapter 15 - Make it REAL

12.1K 183 52
                                    

*Chapter 15 - Make it REAL


Nath's POV




After ng anniversary namin ni babe ay nawalan nanaman siya ng time. Hindi ko nga siya makitang online sa kahit na anong social networking eh. It's been a week since nakausap ko siya. At yun pa ay yung tinawagan ko siya.


Nakakatampo na. I felt neglected and all. Pero kailangan ko siyang intindihin. Alam ko naman na namimiss niya rin kami ni Natty. Pero tao lang po nakakaramdam din.


Sa isang linggo na walang communication with Erin ay siya namang magiging close namin ni Andrea. Nakakatuwa lang dahil sa unang pagkakataon nagkaroon ako ng kaibigan na straight. As in yung straight, die hard, hard core girl siya. Puro boyfriend ang bukang bibig. At dahil naging close na nga kami ay okay lang naman sa akin. Parang little sister ko lang siya.




Rest day ko nanaman at nasa bahay lang ako with Natty. Hindi na muna kami nagpunta sa grannies niya para masolo ko muna ang anak ko. Super spoiled sa mga lolo at lola eh. Pinagrest day ko rin yung kasama namin sa bahay.


I got a message from Angela na magpunta daw ako sa store niya. Nakakapagtaka naman dahil hindi naman nun ugali na ako ako pupunta sa kanya. Palagi kapag may problema siya ay siya mismo ang pupunta sa akin.


I told her na walang maiiwan kay Natty pero sinabi niyang isama ko daw si Natty.


Hmmm...


Nakakapagtaka lang talaga at wala namang special occation para puntahan ko siya. Ilang libong beses ko na rin tinanong kung anong meron at pinapapunta niya ako doon pero ayaw niyang magsalita. Isa pa si Anne dahil hindi sinasagot ang mga tawag at text ko. Baka nagaway lang ang dalawang yun at kailangan lang ng moral support ng kaibigan ko.


So binihisan ko na si Natty, nagbaon ng ilang feeding bottles at laruan. Tapos nagbihis na rin ako at pumunta sa store ni Angela.


Habang nasa biyahe ako ay nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko naman maipaliwanag kung anong kaba ito. Parang excited na ewan pa nga eh. Yung feeling na nung nasa grade school ka pa lang at may field trip na pupuntahan. Ganoon eh. Napakaweird lang talaga.


Pagdating ko sa store ni Angela ay dali dali akong pumasok sa loob. Well, parang hindi naman siya broken hearted. Kaya lang hindi ko mahagilap si Anne.


"Hoy babae, bakit mo ba talaga ako pinapunta dito? Tignan mo nga at kasama ko pa si Natty. Paano kung biglang tumawag si babe?" Sabi ko.


"Eto naman. Minsan lang kitang hiramin. At saka papasalamatan mo rin ako mamaya." Sabi niya sabay kindat sa akin.


"Kadiri ka! Kindat kindat ka pa dyan! Mahipan ka sana ng masamang hangin at kumindat ka na forever." Sabi ko.


"Wala namang ganyanan Nath. Sinasabi ko sayo baka mayakap mo pa ako later." Sabi niya.


"Eh bakit mo nga ako pinapunta dito?" Tanong ko.


Di ko alam kung anong nakain ni Angela. Weirdo ang mga pinagsasabi niya ngayon.


"Chill ka lang muna dyan. Akin na si Natty may ipapakita ako sa loob." Sagot niya.


"At bakit kay Natty lang? Pwede ko rin namang makita yan ah. At baka lasunin mo pa ang pagiisip ng anak ko." Mataray kong sabi sa kanya.


"Basta akin na si Natty at dito ka lang muna. She will love kung sino man ang makikita niya." Sagot niya sa akin.


"Sino? Sino ang ipapakita mo kay Natty?" Tanong ko ulit.


Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon