*Chapter 43 - Sana

8.5K 184 83
                                    

Nath's POV (From present)

Ano bang nangyayari? Ang gulo gulo ng bahay. Pumasok ako sa room, ganoon din. Napansin kong may letter na nakadikit sa salamin.

Nath,

 

Ang awkward lang dahil sinusulatan ko ang sarili ko. Kung binabasa mo ito it means na okay yung plano ko. Nagkapalit nga tayo. Malamang ang daming tanong sa isip mo ngayon. Pero masasagot lahat yan kapag nagpunta ka sa shop. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang makipagpalit tayo. Hindi na kita sisisihin sa mga nangyari dati. Well, ako rin naman may gawa nun eh. Parehas tayo. Kaya ako na lang ang gagawa ng paraan to fix everything. Yung susi ng sasakyan nasa drawer lang. Babalik din ako kapag maayos na ang lahat. Magpapalit din tayo. Pangako yan sayo. Please tell Natty that I love her so much.

 

Nath.

Hay. Lalo lang gumulo ang isip ko. Bakit kailangan pa niyang gawin yun? Eh diba nga sabi ko masaya naman ako? At kakayanin ko na wala si Erin?

Nagpalit na muna ako ng damit. Nakapambahay lang kaya ako nung dumating yung matandang Nath na yun. Rest day ko eh tapos dito may work na agad? Balita ko libre magrest day. Hays!

Paglabas ko doon ko lang napansin yung sasakyan. Nakalimutan yata niyang hindi ako marunong magdrive sa panahon ko. Kaya sumakay na lang ako ng taxi at nagpahatid sa shop. Yung dating maliit na shop namin eh lumaki na ngayon. May extension na nga eh. Napalaki namin ng ganito yung shop? Yung dating 4 na crew namin nasa 15 na yata.

Nang mapansin nila ako ay binati nila ako. May lumapit na babae sa akin.

"Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay nila Miss Angela at Anne eh. Nasa board room na po sila." Sabi nung babae.

Grrr.... Nakakainis ang matandang Nath na yun! Wala man lang briefing sa mga nagyayari tapos ang lakas ng loob na sabihing wag ako tatanga-tanga dito?!

"Ahh oo sige. Pupunta na ako." Sabi ko na lang.

Kaya lang nasaan ang board room dito?! Hindi ko pala alam!

"Ahh... Miss, una ka na muna sa board room paki sabi sa kanila may titignan lang ako sa counter." Sabi ko.

"Sige po." Sagot niya.

Tinignan ko kung saang room siya pumasok. Para-paraan para hindi halatang hindi ko alam.

Nang makita ko na kung saan siya pumasok ay sumunod na ako. Pagpasok ko ang tahimik ng team AnAn. Yung feeling na uneasiness sa atmosphere nandun.

"Hey! Ang tanda ng mga fes niyo. At hindi ako sanay na tahimik kayo!" Sabi ko in a cheeful voice.

Nagkatinginan sila. Halatang nagulat.

"Ah Nath?" Tanong ni Angela.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon