*Chapter 51 - The Ring

8.3K 191 59
                                    

Cam's POV

Akala ko talaga kinausap nila Nath si Natty para gawin iyon. Kasi naman hindi ko lubos maisip na masasabi iyon ng isang bata. Pero knowing Natty. Iba siya sa ibang bata. She's way too intelligent. Masasabi kong maganda ang pagpapalaki sa kanya.

Thinking about what she said, sino ba naman ako para hindi matamaan sa mga sinabi niya? Buti pa ang bata naisip iyon. Oo, sinabi kong gusto kong magkapaselfish kahit ngayon lang. Pero hindi pwede eh. She's not for me.

SHE'S NOT FOR ME.

SHE'S NOT FOR ME.

SHE'S NOT FOR ME.

Alam ko naman sa simula pa lang talo na ako. Kahit na panandaliang naging akin si Erin, alam ko pa rin she's not for me. Nakatadhana siya para kay Nath. At ganoon din naman si Nath sa kanya. Naisip ko, ang dami na nilang napagdaanan pero yung love nila hindi nabawasan o nawala. Kahit naman naging akin si Erin hindi ko maramdamang akin talaga siya. Parang may kulang sa kanya palagi. I mean, meron ngang kulang. Paano niya ako mamahalin kung yung puso at isip niya nasa ibang tao? Kakayanin ko yun. Kakayanin ko na mahalin siya kahit walang kapalit. Pero ang hindi ko kaya is maisip na dahil lang sa pagiging selfish ko ay masisira ang buhay niya.

Hay... Bata talaga. Ang galing ni Natty. She made me realized that some things are not meant to happen kung hindi naman talaga para sayo yung moment. Kung nasa mga 16 years old lang si Natty kaya ko siyang hintayin eh. Haha! Oo na, child abuse. Ang cute at sweet kasi nung batang yun. Pero kidding aside. Kailangan ko ng pabalikin si Erin sa family niya. Though with heavy heart, buo na ang loob ko to let Erin go.

But I'll just tell her the next day. Huling pagpapakaselfish ko na ito. I just want to cuddle with Erin for the last time.

"Cams, gising ka pa. You gotta rest." Sabi niya ng maabutan niyang gising pa ako.

"Erin tabihan mo naman ako?" Sabi ko.

"Masikip yang bed. Sleep ka na. Dito na lang ako sa upuan." Sabi niya na nakangiti. Pero kita ko naman hindi abot sa mga mata niya yung saya.

"Please? Last na ito." Sabi ko.

"Ano last?" Tanong niya.

"Wala. Lika na tabi na tayo." Sabi ko na lang.

Tinabihan naman niya ako. Niyakap ko siya ng mahigpit tapos pumikit na ako. Parang hindi naman ako makakatulog nito. Knowing that the next day ay mawawala na siya.

"I love you Erin." Bulong ko.

"Hmmm. Tulog na." Sagot niya lang.

I know she won't answer back. Gusto ko lang malaman niya na may isang Camille na nagmamahal sa kanya.

Ilang minuto pa ay malalim na ang paghinga niya. Nakatulog rin siya. Ako naman ay hindi makatulog. Masakit ang desisyon ko. Pero ito yung tama eh.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon