*Chapter 36 - Confrontation

9K 174 101
                                    

Erin’s POV

8pm

Ring Ring

Ang phone ko nagriring. Iniisip ko kung sasagutin ko oh hindi pero nung nakita ko kung sino ang tumatawag si Nath pala. Kinabahan ako. Baka puro mura ang matanggap ko sakanya dahil kinuha ko si Natty.

>He.hello? Napatawag ka?

<Erin. Kaylangan nating mag kita. Si Natty nawawala. Baka lumabas ng bahay mag isa.

Hindi niya pa pala alam na kinuha ko siya. Halata ang kaba at pagkataranta sa boses niya. Hindi ko muna pinahalata na nasaakin si Natty. Nagtataka kasi ako dahil kung kelan gabi na ngayon lang siya naghahanap.

>Anong oras siya nawala?

<Hindi ko alam. Tinatawag ko kaninang mga alas siete pero hindi sumasagot. Umakyat ako sa kwarto niya tapos wala na siya. Erin. Sayo nag sasabi ang anak ko. Alam mo ba kung saan siya pumupunta at kung sino ang mga kaibigan niya.

Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

>Nath? Anong klase kang ina? Bakit ngayon mo lang nalaman na nawawala ang anak mo? Palibhasa kasi abala ka sa ibang tao. Napapabayaan mo ang pagiging ina mo sa anak ko.

<What? Ang kapal ng mukha mo Erin. Nagtatanong lang ako sayo bakit yan ang sinasabi mo? Huwag mong husgahan ang pagiging ina ko sa ANAK KO. Bakit kinuha mo ba siya? Ibalik mo ang ANAK KO Erin! Walang hiya ka.

>Talaga bang anak mo siya? Bakit pinili niya sumama saakin? Pabaya kang ina. Si Andrea nalang ang alagaan mo tutal masaya ka naman sakanya. Ako ang mama ni Natty at kahit kelan di ko siya mapapabayaan.

<Ang kapal ng mukha mo Erin. Ako ang nagdala sakanya. Ako ang nagpakahirap sakanya. Ako ang nag alaga sakanya huwag kang umasta na parang napakaresponsable mo. Nag pasarap ka lang sa ibang bansa diba? Nag feeling single ka dun. Hindi mo kami naiisip. Tapos sasabihin mo saakin yan. Ibalik mo ang anak ko!

>Hindi mo pinapabayaan? Hindi mo ba napapansin sa bata mukha siyang miserable. Ang payat niya na. Hindi mo ko ibabalik sayo si Natty. Sinasaktan siya ni Andrea. Wala akong proof sa ngayon pero hindi magiging ganun ang trato ni Natty sa ibang tao kung tinatrato siya ng maayos.

<Huwag kang gumawa ng kwento Erin. Pag di mo siya binalik saakin kakasuhan kita!

>Sige kasuhan mo ako. I don't care! Ipakulong mo ako kung mahahanap mo ako.

.

Tapos napansin ko na bigla siyang tumahimik. Kahit hindi niya iparinig saakin ang pag iyak niya nararamdaman ko yun. Halata naman sa boses niya at sa pag hinga niya. Kahit galit ako kahinaan ko ang pag iyak ni Nath. Lumambot ang puso ko pero hindi ko padin ibabalik si Natty.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon