*Chapter 23 - F.R.I.E.N.D.S

9.8K 149 14
                                    

*Chapter 23 - F.R.I.E.N.D.S

Note: May mga change of POVs po dito. So pakitignan na lang to avoid confusion.

Erin's POV

Gumagabi na kaya niyaya ko na umuwi si Nath. Lasing na kasi ang mga kaoffice niya. Nung nagpaalam na kaming umuwi napansin ko ang muka ni Andrea na disappointed.

Hinawakan ko ang kamay ni babe para alalayan siyang tumayo at hinila ko siya palapit saakin. Inalalayan ko siya ng nakahawak sa tagiliran niya. Hindi naman siya masyadong uminom pero gusto ko lang naman ipakita kay Andrea na akin lang siya.

Mga 12 na ng gabi ng makarating kami kila Nick para sunduin ang baby namin. Tulog na tulog katabi ang dalawa niyang tito. Binuhat ko si Natty at ipinasok sa kotse. Nagpaalam naman si Nath sakanila.

Habang nagda-drive ako ay panay naman ang kwento ni Nath. Namimiss na daw niya ang mga kaooffice niya and all that drama. Nakakapang init pa ng ulo dahil puro Andrea din ang sinasabi niya. Si Andrea ganito, si Andrea ganoon, si Andrea… Puro na lang siya.

“Babe hindi ka yata naimik dyan? Kanina ka pa tahimik? Sita ni Nath sa akin.

 

Babaeng ito?! Hindi niya ba halatang nagseselos ko? Puro siya Andrea. Sino ba may alam na spell dyan? May ipapakulam lang ako. Andrea is messing up with the wrong person.

“Babe?” Tanong ulit ni Nath.

“Ahh wala. Marami lang ako iniisip, sa business.”  Sagot ko na lang.

“Loosen up a bit babe. Maayos naman ang business natin." Sabi niyang nakangiti.

"Kung alam mo lang kung bakit." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo babe?" Tanong niya.

"Wala. Sabi ko hindi mo naman maalis sa akin ang mag-isip." Palusot ko na lang.

Tahimik pa rin ako sa pagmamaneho. Naiinis rin ako dahil bakit hindi makita ni Nath na may HD si Andrea sa kanya? Grrr... Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko. Ayokong mag-away kami dahil sa babaeng yun.

Pagdating namin sa bahay ay kinarga ko na si Natty papasok sa room niya. Si Nath naman ay diretso na sa room namin.

"Natty baby wake up saglit. You have to change your clothes." Sabi ko.

"Mama I'm suuuppper sleepy." Sabi naman niya.

"Ang cute talaga ng baby ko. Sige na 2 minutes lang baby." Sabi ko.

Pagkatapos kong bihisan si Natty ay tinabihan ko muna siya. Nang maramdaman kong tulog na siya ay lumipat na ako sa room namin ni Nath.

---

"Anong nagyari sayo? Bakit ka umiiyak?"

---

"Ha? Bakit kayo nagbreak? Bakit hindi mo sinabi kanina?"

---

"You know na kahit gustuhin ko hindi yan pwede."

---

"You are special to me. Wag mong sabihin yan."

---

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon