*Chapter 46 - Time Machine

8.7K 183 128
                                    

Nath's POV

(From the future)

"Pag magtatayo ka ng business parang pag ibig yan. Kung hindi ka pupusta, wala kang mapapala. Hihintayin mo lang na makuha na siya ng iba at tapos sa huli mag sisisi ka na sana gumawa ka ng paraan kahit madaming posibilities na mag fail. Ganyan din sa negosyo. Kung hindi ka pupusta wala kang mapapala. Hihintayin mo nalang maubos ang pera mo ng wala ka naman napala. Buti nalang at nandito tayo ngayon sa seminar na ito. Tuturuan ko kayo kung pano hindi mag fail ang naitayo niyong negosyo." Sabi ng facilitator.

Anak ng pating namang patama yan oo. Pwede naman ikumpara sa sugal bakit sa pag ibig pa. Tsk. Kung kilala lang ako nitong taong to malamang ako ang pinapatamaan niya.

Nakinig lang ako kahit naiinip ako minsan o kaya naman ay tinitignan ko si Erin.

"Madaming nagtatayo ng kanikanilang negosyo sa ngayon. Madaming nakikiparehas at nanggagaya kapag alam nila na patok ang isang negosyo. Pero parang pag ibig din yan. Madaming dumadating sa buhay natin pero iba padin yung taong nakasanayan mo ng kasama. Dun ka napamahal. Kaya kahit saan ka man mag punta hahanap hanapin mo din siya at babalik balikan kasi mas masarap padin ang original. Ganyan ang "Latte Afternoon". Kahit madaming manggaya wala padin makakatalo sa orginal at gusto ng mga tao." Patuloy ng facilitator.

Ano ba to? Seminar o counseling? Nakita ko nalang si Erin natatawa sa sinasabi ng facilitator.

Napatingin siya saakin pero hindi ko ako nagpahuli na nakatingin din ako sakanya kaya kunware nagtetake down notes ako sa tab.

Matapos ng mahaba-habang diskusyon ni ateng counselor ay lumabas na kami.

"Pst!" Sabi ni Erin

"MakaPst ka naman. Ano ako aso?" Sabi ko.

"Haha. Ikaw tlaga. Anong masasabi mo sa discussion?" Sabi niya.

"Wala. Parang may pinagdadaanan siya sa pag ibig. Nirerelate lagi dun ang usapan." Sabi ko.

"Haha. Ang cool nga eh." Sabi niya.

"Bakit tagos ba sa puso?" Sabi ko.

"Haha. Hindi. Baka ikaw kasi ikaw nagsabi niyan." Sabi niya.

"Hindi kaya. Hmp." Sabi ko.

Tapos inakbayan niya ako.

"Pasyal tayo sa Burnham?" Sabi niya.

"Anong gagawin dun?" Tanong ko.

"Kunwari date tayo." Sabi niya.

"Kunware? Bakit di pa totohanin? Haha." Sabi ko.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon