*Chapter 50 - Let It Go, Let It Go

8K 186 97
                                    

Nath's POV

 

Isang linggo na din kaming nagsasama ni Erin. Natupad na ang matagal na inaasam ng anak namin. Kahit okay na kami ramdam ko na mahal niya ako ay parang hindi namin magawang mag saya. Pano kasi nasaktan namin si Cams. Hindi naman siguro mangyayare ito kung hindi ako nagtangatangahan dati. Ilang linggo nadin kaming walang balita sakanya. Si Erin lagi kong nahuhuling nakatulala. Nasa bahay kami ngayon. Family day dahil linggo. Si Erin nakaupo sa terrace at nakatingin sa kawalan kaya nilapitan ko siya.

"Babe? May problema?" Tanong ko.

"Hmm wala to babe. I'm okay." Sagot niya.

"Tell me please. Ayoko na ganyan ka. Parang lage ka nalang natutulala eh." Sabi ko.

"Ahm. Okay. Nag-aalala lang ako kay Cams. At nakokonsenya ako sa ginawa ko sakanya. Bakit kasi pinaasa ko siya hindi ko naman pala kayang panindigan siya. Kasalanan ko lahat kung bakit siya nasasaktan." Sabi niya.

"Hmm. Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko.

"Hmm. Babe hindi. Seryoso naglaho ang lahat bigla. Nakokonsensya lang ako maniwala ka." Sabi niya.

"Okay naniniwala ako." Sabi ko.

"Nabobother kasi ako sa text niya. Sinasabi niya saakin na kaylangan niya ako. Puntahan ko siya. Alam mo yun? Nung kaylangan ko siya kahit nasaan siya pinupuntahan niya ako. Handa siyang gawin ang lahat para saakin. Ang unfair ko pero pag pinuntahan ko siya para namang bibigyan ko siya ng false hope. Ayoko na umasa siya." Sabi niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. May point naman kasi siya. Alangan naman sisihin ko siya o sisihin ko nag sarili ko kaya hindi nalang ako nagsalita at niyakap ko nalang siya.

Naniniwala naman ako kay Erin. Parehas kasi kami ng nararamdaman. Hindi ko din mapigilan na sisihin ang sarili ko. Naging kaibigan ko si Cams. Napakabait niya at sa totoo lang hanga ako sakanya. Minahal niya si Erin at ginawa niya lahat para sakanya. Tapos ganun lang ang mangyayare. Hindi ata kami magiging masaya hanggat di namin makikitang maayos si Cams.

Matapos nun at may biglang tumawag kay Erin. Nakita ko number ni Cams. Si Erin nagdadalawang isip kung sasagutin niya.

"Sagutin mo babe." Sabi ko.

Tinignan niya ako at huminga ng malalim. Tapos sinagot niya.

>Hello Cams? Bakit?

<.......

>Ha? Saang hospital siya? Napano siya?

<....

>Okay sige pupunta na ako.

 

Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila pero halatang nag aalala siya ng sobra.

"Ahm babe? Bakit daw?" Sabi ko.

"Si Cams daw nasa hospital babe. Pinuntahan daw siya ng pinsan niya. Puro alak lang daw ang iniinom. Hindi na daw siya kumakain. Nakita daw siyang wala ng malay kanina at nung nagising na siya hinahanap ako. Babe? Anong gagawin ko? Kasalanan ko lahat ito babe. Hindi kakayanin ng kunsensya ko pag may nangyaring masama kay Cams." Sabi ni habang umiiyak.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon