*Chapter 27 - Sabi ng Dyosa

9.5K 173 35
                                    

POV ng isang dyosa

Somewhere sa kabila panig ng globo.

Knock! Knock!

"Hello! Is somebody home?"

Knock! Knock!

"Heelllooo!" Sigaw nung babae.

Pinagbukasan naman siya ng isa pang may edad na babae.

"How can I help you?" Tanong nung may edad na babae.

Nag-usap ang dalawang babae. After few minutes ay lumabas na ulit ang isa pang babae mula sa bahay na may evil smile. Parang si wicked step mom sa Snow White lang.

---------------------------------------

Makalipas ang isang buwan. Okay na yung coffee shop nila Nath at Erin. Naging busy rin sila dahill madami ang tumatangkilik sa shop nila. Madame palaging customer. Hindi nawawala. Tama ang naging desisyon nila na  i-franchise ang business ni Angela dahil kilala na ng mga tao ito. Hindi na rin naman nahirapan si Erin dahil may alam na siya on how to manage business like this.

This week na rin pala uuwi si Camille. It's been a month nung sinabi niyang magbabakasyon siya sa pilipinas. Kahit naman busy ang mga bida natin ay excited sila na makita ang kaibigan nila. Lalo na si Erin. Sabi niya sa akin hindi naman daw dahil may romantic feeling pa rin siya. It is because namiss lang niya ang kaibigan niya na hindi siya sinukuan.

Nasa coffee shop ang mag-asawa at busy naman na nag-e-entertain sa mga mga customers nila. Hindi maalis ang mga ngiti ng tagumpay kahit na pagod na.

May isang maladyosang babae ang pumasok. (Wait po hindi po ako yun.) Pumila siya sa counter para umorder ng coffee at cake. Nang siya na ang o-order ay nagulat si Erin.

"Cams! Nakauwi kana!" Sabi ni Erin.

"Ay hindi. Wala pa kaya ako dito sa harap mo." Natatawang sagot ni Camille.

"Friend!" Sigaw din ni Nath.

"Oi kayong dalawa alam ko kayong may-ari nito pero anghaba ng pila dito pa tayo magchi-chikahan." Natatawang sabi ni Camille.

Lumipat sila sa office ng mag-asawa at pinaubaya na muna sa mga crew nila ang pamamahala sa counter.

"Kelan ka pa bumalik?" Tanong ni Nath.

"Kahapon lang." Nakangiting sagot ni Cams.

"Hindi ka man lang nagpasabi. Sana nasundo ka rin namin. Or nakapagprepare kami." Singit ni Erin.

"Oh wait lang babalik ako para magawa niyo yan. Ahaha!" Sagot ni Camille.

"Nakakahalata na ako, kanina mo pa ako binabara ah." Tampu-tampuhan na sagot ni Erin.

"Aba Miss Reyes! Kulang pa yan sa mga sakripisyo ko sayo! Sa mga pagtatakip na ginawa ko sayo!" Sabi ni Camille. Huli na ng marealize niya ang nasabi niya. Nakalimutan niyang kasama nila si Nath.

"Anong pagtatakip naman yun?" Naiintrigang tanong ni Nath.

"Ahh ehh... Ano yung sa paguwi ko dito ng hindi mo alam! Yun!" Natatarantang sabi ni Erin.

"Ahh. Eh bat natataranta ka?" Curious pa rin na tanong ni Nath.

Nangangamoy away na ito ah.

"Tama! Yun nga yun. Eh diba lagi tayo magkaskype at chat noon? Andami kong palusot na ginawa para sa babaeng yan. Ahaha." Sabat naman ni Cam.

"Ahahaha. Tama yun nga yun babe." Dagdag pa ni Erin.

"Okay. Kayong dalawa talaga. Mga loko kayo." Nakangiting sagot ni Nath.

Nagkakwentuhan pa ang tatlo. Pero sa tuwing hindi nakatingin si Nath ay nagpapahiwatig ng mga makahulugang tinginan sina Erin at Camille. Oh wag maghuramentado. Hindi yun yung tipong nakaw tingin ng mga secret lovers. Yun ay mga paalala lamang ni Erin na wag na ulit madudulas si Cams sa mga kwento niya.

Makalipas ang ilang linggo, hindi na rin masyadong busy ang Team NathErin. Gamay na nila kung paano patakbuhin ang negosyo nila. Easy easy na lang kung baga. Lalo na nga at may alam na si Erin sa ganitong uri ng trabaho. Ano ba naman yung pagiging manager niya sa restaurant noon ng ilang taon.

Mabalik naman tayo kay Andrea. Ayun, nagpupumilit pa rin kay Nath. Pinaliwanagan naman na siya ni Nath na hanggang kaibigan lang siya. Na wala ng hihigit pa sa maibibigay niya. Eh alam niyo naman minsan ang mga taong inlababo. Hindi na ginagamit ang isip. Sinabihan ni Andrea na hindi niya tatantanan si Nath hanggang mapasakanya ito. Anyare sa mundo diba? Uso kabit. Parang legal wife lang. Buti mabait ang mga bida natin. .Isang gender bender na kasi itong si Nath. Hindi na lang siya pinapansin ni Nath dahil masaya siya sa pamilya niya. Ayaw man niya na nagkakaganoon ang kaibigan niya pero lumayo na lang siya. Ambait lang ni Nath noh? All for the family talaga siya.

Nagkayayaan din sila na magout of town. Kumpleto ang barkada. Mula sa Team AnAn, NathErin, si Natty at si Camille. Sabi nga ni Camille bagong team daw ay Team NaCa. Haha! Alam ko mga readers ambaho lang ng name nila. Eh wala eh, kesa naman forever alone si Natty at Cams habang yung dalawang pairs ay pinuputakte ng mga langgam sa kasweetan.

"Tita Camille, this is just temporary right?" Tanong ni Natty kay Camille tungkol sa team name nila.

"Yes baby girl. Why?" Tanong naman ni Camille.

"Because Alexa will be mad at me if she will know about this." Bibong sagot ni Natty at pulang pula ang mukha.

Nagkatawanan naman silang lahat.

"I know baby. This is just for the whole vacation. But tita Camille will be happy if we will stay as team NaCa." Sabi naman ni Camille.

"I'll ask Alexa about it." Nakangiting sagot naman ni Natty.

They had fun. Parang wala ng bukas kung makapag-enjoy sila sa beach na binisita nila.

"Babe I want to stay like this forever." Bulong ni Erin kay Nath habang nakahiga sila sa duyan.

"Eh babe pano kapag kailangan kong magbanyo? Kumain? Maligo? Ganito pa rin tayo?" Natatawang sabi ni Nath.

"Babe naman eh. Seryoso ako." Sabi ni Erin.

"Aww... Ang sweet ng babe ko. Wag kang magalala. We'll stay together forever." Sagot ni Nath.

3 days and 4 nights ang mga bida natin sa resort na pinuntahan nila. Sila na ang walang mapaglagyan ng pera nila eh 'noh? Haha! Pero ang nakakatuwa pa ay sa mga araw na iyon ay lahat na ata ng kinds ng langgam ay dinalaw sila sa kasweetan nila. Si Natty naman ay ayaw na halos humiwalay kay Camille. Siya na daw ang bago niyang crush. Yung batang yun ipinaglihi na kay Einstein, saksakan ng cute tapos ang dami ring babaeng gusto. Mana kay Erin noh?

Sana lang ay ganito na lang ang mga bida natin. Happy lang. Walang mga asungot. Walang mga panira.

End of chapter

Ansabe ni Hanna?

ikaw na ang may makadyosang POV babe. Piling tayo te?:D

Ako na ang nakatoka sa next chap! pressure! haha

-kelan kaya mag iingay ang mga silent readers? haha. Silent nga diba? shh

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon