*Chapter 33 - Taken

8.7K 196 84
                                    

Cams' Pov

Ilang buwan na ang nakakaraan. Ang nasabi kong bakasyon ay naextend ng naextend. Parang di ko kayang iwanan si Erin ng ganito siya. Walang araw na hindi umiyak si Erin. Nakatira siya ngayon sa bahay ng parents niya pero araw araw pumupunta siya dito para umiyak at mag mukmok. Uuwi siya pag gabing gabi na. Para matulog ng kaunti at diretso na sa coffee shop nila. Hindi ko alam kung anong napag usapan nila ni Nath about sa bussines nila pero si Erin ang nagmamanage. Hindi niya daw ito papabayaan dahil para ito kay Natty.

Naaawa na talaga ako sakanya. Pumayat siya at ang lalim lage ng mata niya. Mukha siyang adik pero maganda padin siya. Ilang beses ko sinubukang kausapin si Nath pero galit din siya saakin. Wala na ang dating Nath. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang siya katigas. Wala na parang patay na ang dating Nath. Kaya pinabayaan ko nalang siya. Tinulungan ko nalang si Erin makapag move on. Lahat ng magagandang salita nasabi ko sakanya. Pero wala padin sigla.

Araw-araw din siyang dumadaan sa sinasabi niyang kinatatayuan ng phone booth. Lagi niya yun sinasabi saakin. Hindi ko padin maunawaan kung ano ang papel ng lugar na yun kay Erin. Dahil lage niya yun sinasabi saakin napasubo akong bilhin ang lupang yun. May kamahalan pero may naipon naman ako. Sarili ko lang naman binubuhay ko at nangako siyang babayaran yun saakin. Nung nalaman niyang nabili ko na ang lupa, sa loob ng ilang buwan nakita ko ulit ang ngiti niya na matagal ko ng hinahanap hanap.

Nasa work siya ngayon. Araw-araw tinetext niya ako pag wala siyang ginagawa sa work kaya hinihintay ko talaga ang pagtetext niya.

>Hey. Gawa mo?

<Erin! Oh kamusta? Eto bored.

>Okay lang

<Hmm. Parang di ka okay ha.

>May tatanong ako.

<Ano?

>Kasi nabalitaan ko kay manang na naging malungkot daw si Natty. At lagi daw ako hinahanap. Gusto ko siyang kunin at magpakalayo. May alam ka bang lugar na pwedeng puntahan?

<What? Erin nasisiraan ka na ba? Kidnaping ang tawag dun. Makakasuhan ka pa diyan sa plinaplano mo. Huwag mo ng ituloy.

>I don't care gusto ko makasama ang anak ko.

<Ayoko Erin. Please. Ikakapahamak mo yan. Mas lalong hindi mo na siya makikita.

>K.

<Pls Erin pag isipan mo. Daan ka dito pagluluto kita ng gusto mo ha? Wag na malungkot diyan. Ingat ka.

Nasisiraan na ata siya sa pagkawala nila sa buhay niya. Siguro naman hindi niya gagawin yun dahil sa sinabi ko.

______________________________________

Erin's Pov

Araw-araw ang pakiramdam ko nababawasan ang tibok ng puso ko at ang pag hinga ko.

Pinipilit kong maging okay at nagpapakaresponsable padin ako para kay Natty. Hati kami ni Nath sa negosyo na ito pero hindi na siya pumapasok. Kahit na ganun ay nagtatransfer padin ako ng pera sa bank account niya. Hati padin kami sa kita ng coffee shop.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon