*Chapter 9 - Walang title :D

13.3K 152 15
                                    

*Chapter 9

Nath's POV

3 years na wala si babe dito. Sobrang tagal na nun. Parang 30 years nga eh. Ganun katagal ang pakiramdam ko na wala siya dito. Lalo na yung time namin to communicate ay nabawasan dahil sobrang busy siya.

Hindi naman ako nagrereklamo. Alam ko naman na busy talaga siya. Sa loob nga lang ng 2 years may sarili na kaming bahay. At ang laki na ng ipon namin eh. Kung tutuusin pwede na talaga siyang umuwi. Kaya lang hindi pwede dahil sa contract niya.

Hindi pa rin naman ako nagresign sa work. Maganda na rin yung may pinagkakaabalahan ako aside sa anak ko. Kung hindi mababaliw talaga ako na wala si Erin.

Nagkausap pala kami. Sa wakas pwede ko na siyang dalawin doon. She said na 1 week daw yung leave niya. Kaya nagfile din ako ng leave sa work. Nung una nga ayaw akong payagan eh dahil walang papalit sa akin tapos 2 weeks pa ang hiningi kong leave. Syempre wala akong absent and this is the first time na gagamitin ko ang leave ko kaya lulubusin ko na. I said na magreresign na lang ako kapag hindi sila pumayag. Haha! Bad pero kailangan ko talaga eh.

Iiwan ko na lang muna si Natty sa mga grannies niya. Ayoko naman siyang isama dahil isa akong over protective na nanay at paranoid. Baka mapano kami sa eroplano.

So ayan na. I can't wait to see my babe. It's been 3 long years. Mahahawakan, mayayakap at mahahalikan ko na rin siya.

Grrr...bakit parang antagal lalo? Kung kelan oras na lang ang hinihintay ko mas matagal pa ngayon.

After few hours ay lumapag na rin ang airplane. Ayan na.. Ano ba yan kinakabahan ba naman ako. Parang 16 years old na kinikilig. Parang ewan lang diba? Parang teenager na makikipag eyeball. Paglabas ko ng arrival area ay hinanap ko agad si Erin.

Wow. Kahit na gumanda siya. Nagkulay ng hair. Mukhang mas nagmature yung itsura nya pero pwede bang hindi ko siya makikilala. Siya yun. Ang babaeng mahal ko. Yung smile niya. Yung same warmth na binibigay nun sa akin ay nandito pa rin sa puso ko. Yung titig ng mata niya na pakiramdam ko sobrang ganda ko.

Tinakbo ko ang maliit na distance na naglalayo sa amin.Pero yung tipong napapanood ko sa teleserye na kahit gano ako kabilis tumatakbo slow motion padin ang paligid pati yung pag ngiti niya.Nang malapit na ako sakanya grabe! I can't put it into words how much I longed for this moment.

Yakap ko na siya finally. Eto na siya sa tabi ko. Hindi na ako nahiya and I kissed her. It felt like a century since my lips touched hers. She still taste like chocolates and mint.

After nung moment na yun para kaming tanga. Speechless at ramdam ko yung pagkakahiyaan namin. Pansin ko na maiinit na din ang mukha ko. Parang nagbablush ata ko. My gawd. Parang bata. Hindi ko agad siya kinibo.

"Ah. Ehem. Wel-come baby. I missed you so much." Sabi niya ng nauutal at halatang nahihiya.

Kahit na ganun ramdam ko yung sinabi niya. Naiyak ako. Sino ba naman hindi maiiyak sa tagal diba? Taas panggitnang daliri sa paa ng hindi sumasanggayon sa akin. Mahirap ba? Kasi tama ako. Kahit sinong matinong tao maiiyak talaga.

She held my hand and gestured me palabas ng airport. Grabe lang. I never imagined na ganito kasarap yung pakiramdam na hawak ko na siya. I mean, masarap sa pakiramdam yung kasama ko siya palagi before. But this time is very different.

Nawala na yata yung ilangan at pagkakahiyaan namin sa isat isa. Kwento ng kwento si babe habang nagdadrive. She didn't tell me na marunong na pala siyang magdrive. Naaamaze din naman ako sa mga nakikita ko. The place is full of snow. First time ko kaya ito. Parang sa frozen na movie and I want to build a snowman :D siyet. Sobrang saya ko talaga. Yung puso ko hindi pa napapagod sa pag tatatalon.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon