*Chapter 26 - Epal

9.3K 127 39
                                    

*Chapter 26 - Epal

Hanna's POV

Gulat kayo no! Naligaw ang ako dito. Actually matutulog na sana ako pero sinipag ako mag ud kasi yung mga words paikot ikot sa utak ko. Isa itong point of view ng writer. Anyway uso na ngayon magseryoso. Maikling point of view lang ito.

Marahil nagtataka kayo kung bakit wala manlang kayong napapansin sa setting ng story na 2020 na pala? Ni hindi manlang nasabi ni Erin ang mga nagbago lugar nila kahit lumipas na ang pitong taon. Dahil isa lang itong normal na pagbabago para sa kanila. Hindi na kaylangan pagtuonan ng pansin yun sa mga POV nila dahil ang pakiramdam ni Erin ang mga mambabasa eh nasa kapanahunan din nila.

Well maliban sa naging bagong love team si Bugoy ng going bulilit at Kendra na kumanta ng "dandandan dandandan, sarap ng real" at nadaig pa ang love team ng KathNiel.

Napalaya na si Napoles, gumanda na ang Manila sa tulong ng bagong Mayor na Apo ni Erap.

Ang SM megamall naging SM ultra megamall na. Ang MOA naging MOW na. Short for Mall of world.

Ang road reblocking na nag-co-cause ng matinding traffic sa edsa ngayon. Sa panahon ni Erin gawa na ang daan. Pero guess what? Traffic padin. Ang mga pagawaan kasi ng sasakyan hindi pa tumigil sa paggawa ng makabagong kotche, lumuwag nga ang daan dumami naman ang sasakyan.

Mas mausok na ang Manila kaya ang mga airconditioner may built in air cleanser na din.

Ang phone ni Erin hightech na. Pwede mong makita ang kausap mo ng parang kaharap mo rin. Ang bahay kubo ngayon required ng magkaroon ng aircon dahil sa sobrang init ng panahon.

Sanay na ang Pilipino ngayon sa mas malakas na bagyo kaya handa na sila. Hanggang signal number 6 na kaya.

Pero magaling si Pangulong Kris Aquino dahil nagawa niyang handa ang mga tao. Oo pangulo na si Kris. Maganda din ang pamamalakad niya.

Solar power na ang kinukuhanan nila ng Energy. Ang notebook at libro ni Natty nasa iisang lalagyan nalang. Ang tinatawag nilang TabVer4.0. Mas manipis yan sa tablet at mas magaan dalhin. Hindi na siya naglalag. Hindi na uso ang android na OS. Ang uso ngayon Windroid. Ang pinagmerge na windows at android. Old model na nga ang Cupcake na version ng Windroid. Ang bago ay Cheesecake. Natalbugan pa ang Jellybean ng android natin ngayon diba? Pag mag oopen si Natty ng book sa kanyang windroid, nakalutang ang mga images sa ere. Ganun kahightech.

Ang KFC , walang pagbabago. Yung logo lang ng matanda na nakangiti dati ulo lang, sa panahon ni Erin whole body na.

Ang Jollibee naman naging concious sa health ng mga customers nila kaya pinalitan ang bubuyog sa harap ng store nila ng mas mapayat. Masasarap padin ang sineserve nilang food pero mas healthy.

Ang coffee shop na business ni Angela natalbugan na ang Starbucks.

Natapos na din sa wakas ang digital migration sa pinas na noon 2013 natapos na sa US, huli tayo eh. Dahil dito iisa na ang linya ng telepono, telebisyon at internet. Ang maganda dito kaya na natin magshopping sa telebisyon natin gamit lang ang remote. Uso na yun sa panahon natin ngayon pero lahat ng tao sa panahon ni Erin at Nath  lumipat na sa digital. Ang internet connection natin ngayon na mabilis na ang 5mbps ay mas mabilis pa ngayon. Yung tipong iniisip mo palang nadownload na ang 3gb na file na gusto mo. Lahat ng bagay sa panahon nila ay touch screen na ultimo doorbell, switch sa ilaw, pinto sa banyo, bintana, pabubukas ng delata touch screen na din.

Ang wattpad  pinalitan lang ng konte ang logo pero yun padin. Ayaw kasi nila baguhin dahil yun ang gusto ng mga mambabasa. Ang maganda sa wattpad app ngayon sa windroid pag may ud inonotify ka na talaga. Hindi tulad ng dati na kaylangan mo pang irefresh. At pwede ka na mag upload ng madaming pictures sa profile mo ginawang parang facebook. May separate na app ang wattpad para sa messaging at comments para mas mabilis ang pag rereply ng mga authors. At hindi ka na matagal ang pagrereply.

Ang facebook hindi pa nawawala na di tulad ng friendster na ang bilis ng nalaos. Nagbago lang ang setting at mas complicated pero mas cool ng platform niya ngayon dahil makikita mo na ang nag view sa fb mo at macocostomize mo na ang layouts mo. Ginaya nila sa idea ng friendster yun. 

Ang US Dollars halos kapantay na ng piso. Magaling nga kasi ang bagong pangulo nila Erin.

Ang Dora the Explorer na pinapanood ni Natty sa umaga ay 3D na ngayon. Ang Naruto wala padin ending hanggang ngayon sa channel 2. 

Naremake ang teleseryeng Marina. Kung natatandaan nyo yun nung panahon natin kung saan si Claudine Barreto ang gumanap na serena. Sa panahon ni Erin si Katherine Bernardo na ang gumanap na Marina.

At sawakas. Si dagul sa going bulilit ay nag graduate na. Pinalitan na siya ni mura ang dating partner ni mahal.

Nauuso na din  ang GxG stories pero hindi pa tuluyang natatanggap ng mga tao.

Ang mga products naman mas pinabisa. Naalala niyo siguro naintroduce na ni Angela ang MyraG na dating MyraE.

Ang centrum Complete naging Centrum Extended na. Ang EnervonC naging EnervonA-Z.

Ang bearbrand choco na gatas/gatas na choco nagkaroon na ng strawberry at orange.

Ang maggie magic sarap hindi na siya granules. Pellets na siya at ang knorr cubes powder na siya. Hindi ko talaga mawari bakit pinalitan nila.

Ang yakult sa wakas ay pinalitan na ang bottle. Akala ko wala na silang plano magpalit eh.

Ang fisball dalawang piso na.

Ang love team ni Erin at Nath matibay parin. Yun lang ang mga konting pagbabago na naganap sa buhay ng TeamNathaErin. Taon-taon may mga pagbabago sa lugar na iniikutan nila. Pero sila padin kahit lumipas na ang araw at taon. Sila padin hanggang ngayon. Pano sa susunod na 2021 and so on? Kaya nga abangan natin yan.

sabi ng manunulat:

up coming po yung kasunod. ginagawa na. ^_^

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon