*Chapter 5 Colorful Faint

15.3K 205 37
                                    

*Chapter 5

Erin's POV

Araw-araw ko sinasakyan ang trip ni babe. Kahit puyat at pagod okay lang naman. Nawawala ang pagod ko pag nakikita ko yung tiyan niyang unti-unting lumalaki. Para na nga siyang nakalunok ng pakwan pero kahit ganun maganda padin siya. Nakakawala din ng pagod kasi si Natty ang kulit-kulit at galaw ng galaw sa loob ng tiyan ni mama niya. Ang tagal nga lumabas. Excited na akong mameet ang baby namin.

Nagtatanong sila mama at bakit daw confident kame na babae ang anak namin dahil tuwing namimili kame puro pambabaeng kulay. Sabi nalang namin malakas ang pakiramdam namin. Ang mama naman ni Nath ang nagpangalan kay baby Natty. Natuwa nga kame at nabigla. So siya pala ang nagpangalan sa Natasha.

Nasa office ako ngayon. Nagpapakabusy kasi ako kahit gusto ko kasama ang babe ko eh kaylangan ko magtrabaho. Di na kasi tulad ng dati. Magkakababy na kame. Gusto ko maganda ang maging future ni Natty. At ayoko siyang matulad saakin. Gusto ko mag mana siya sa mama belle niya. Nakatapos sa pag-aaral at mabaet sa magulang. Kahit kelan hindi nalihis ng landas. Swerte ko talaga kay babe. Kung meron lang ulit ang time machine pag sasabihan ko ang past ko na umayos. Haha. Pero wow. Speaking of time machine. Hindi pala siya nawawala kahit sa future meron padin. Ewan ko ba kung bakit ganun ang phone booth na yun. Lulubog lilitaw. Hindi ko padin nagegets ang purpose ng pagpapakita nito saamin eh. Pero naging maswerte padin ako dahil nabigyan ako ng chance na magamit ito.

Nag hihintay ako ngayon sa class ko. Pero maaga pa ako ng 30 minutes. Kahit kelan ayoko kasi nalelate. Malapit na din naman ako. Kinausap ko kasi sila mama kina Belle muna ako titira dahil request ng mama ni Belle. Para daw di na ako mapagod at malapit lang sa hospital ang bahay nila pag nanganak na si babe.

Napakatahimik sa paligid. At parang may something na mangyayare. Ramdam ko eh. Kasi kinakabahan ako. Tapos biglang ang ring ang phone ko.

Calling...

Angela

Ano ba naman yan kalagitnaan ng work oo. Pero pinabantayan ko pala sakanya si babe. Dun siya sa amin ngayon.

"Hello? Ano na naman? Sinusumpong na naman ba yan?"

"Best! Si Na-tty manganak na. Ay si Nath pala!! Naka-sakay na ka-me sa-sa hospital!! Pa-puntang ambulance!!" Tarantang tarantang sabi niya.

"Ha? Ano? Di ko gets? Ano yun? Relax ka lang ang oa mo." Sagot ko

"Si Nath manganganak na! Saint Anthony Hospita!"

"Ha?? Nanganak na siya?!!!! Bakit? Ayusin mo na mga gamit nila punta na ako." Sagot ko.

"Hindi pa. Nanganganak palang. Sabi mo relax ako ikaw naman natataranta." Sagot niya.

"Sige alis na ako. Wag mo pabayaan ah. Sabihin mo kaya niya yan." Sabi ko

Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaction ko. Kung matutuwa ako maeexcite o mag aalala. Punong-puno ako ng gabutil na pawis sa katawan. Tumakbo ako papunta ng office ng manager ko para magpaalam.

"Boss! I need to go. Si Nathalie Belle manganganak na. On the way na siya papuntang ambulance sakay ng hospital!!" Sabi ko.

What the! Nagkabuhol buhol na din ang thought organization ko. Nahawa na ako kay Angela.

Natawa lang saakin ang boss ko. At pumayag naman siya. Mabilis pa sa alas singko nasa hospital na ako. Halos magkasabay lang kami ni babe. Awang awa ako sa kanya dahil nakita ko ang pain na sa mga mukha niya. Naluluha pa nga siya eh. I remember my mom. Parehas sila ng itsura. Pero mukhang mas hirap na hirap siya kaya lalo ako nag aalala.

Pinasok na siya sa room. Ako nasa labas lang. Si Mama niya kasi ang kasama niya sa loob. Ayoko siyang makitang mahirapan. Palakad lakad. Hindi ako makaupo. Medyo nahihilo na ako. At parang ilog na ang umaagos na pawis ko. Ewan ko kung bakit. Para akong ewan na pabalik balik ng biglang dumilim ang paligid wala na akong maalala.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon