*Chapter 45 - Blessings in Disguise

8.8K 177 102
                                    

Nath's POV

( From the future na bumalik sa present time nila)

Hinatid ako ni Natty sa gate.

Nakaparada ang isang kotche sa tapat na napakagara. Oo na Angela. Niyayabangan mo na naman ako.

Tapos ay biglang bumukas ang pinto.

Si Erin! Ganda niya ah. Hindi katulad ko di pa ako nakasuklay. Nakakahiya. Basa pa nga ang buhok ko kakamadali.

Niyakap niya si Natty at binilin na magpakabait. Tapos ay binuhat  niya ang bag ko at inalalayan niya akong sumakay sa kotcheng magara ni Angela. Dapat talaga sinasabi yung word na magara kadugtong kotche dahil natutuwa si Angela pag sinasabi yun. May pagkamayabang kasi.

Parehas kaming nasa back seat. Hindi ko din pala alam kung saan kami pupunta.

"Kelan sinabi sayo na may seminar ek-ek Erin?" Tanong ko.

"Kanina lang. Nabigla nga ako. Buti nalang at maaga akong gumising at naligo." Sabi niya.

"Ahm. Okay. So saan tayo pupunta? Alam mo ba?" Sabi ko.

"No idea. Basta ang sabi ng secretary ni Angela 3 days daw. Nagulat nga din ako. Kung hindi lang ako nahihiya sa parents ni Angela baka hindi ako pupunta." Sabi niya.

"Ah ganon? So ako lang ang pupunta? Pano naman ang anak natin?" Sabi ko habang nagsusuklay.

"Haha. Di tayo pupunta kung sila lang. Eh ang masama mga boss nila ang nagorganize nito eh. Makakatanggi ba tayo?" Sabi niya.

"Kaya nga. Di ko tuloy matutuloy yung plano namin sayo. Tsk. " Sabi ko ng mahina sa sarili ko.

"Manong san daw ba tayo?" Sabi ni Erin sa driver.

"Sa Baguio po Ma'am." Sabi ng driver.

"Huwaaattt??! Napakalayo naman manong! Ang haba ng byahe." Sabi ko,

Nakakainis naman.

"Ewan po Ma'am. Dun ko daw po kayo dalhin sabi ng mga boss ko." Sabi ng driver.

"Okay." Sabi ko.

Si Erin tumatawa lang.

"Hahaha. Now I know kung san nagmana si Angela sa ugali niyang pabigla-bigla ng disisyon. Sa magulang niya." Sabi ni Erin.

May point siya. Nanahimik lang kami sa byahe. Si Erin katext si Cams ako nganga na naman.

Mga isang oras din ang byahe. Nangangawit na ang likod ko.

"Wow. Nath. Ngayon ko lang napansin nagpagupit ka. At parang blooming ka ngayon." Sabi niya.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon