*Chapter 21- Monkey business

11.2K 145 19
                                    

Erin's Pov

Sarap ng tulog ng mag-ina sa tabi ko. Ngawit na naman ang braso ko dahil dalawa ang nakaunan saakin. Naglalambing kasi ang baby namin kaya dito siya natulog sa tabi namin. Ayaw niya daw mahiwalay saakin ngayon kaya pinagbigyan namin siya. Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakaunan nila at lumabas muna para tumambay sa terrace. Nakaupo lang at pinagmamasdan ang mga bituin at buwan. Di pa din kumukupas ang liwanag ng mga ito. Naalala ko ang unang date namin ni Nath habang tinitignan ko ang mga bituin sa langit. Bumabalik na naman ako sa pagkabata. Yung araw na nakilala ko si Nath at yung araw na bumalik ako sa time. Nasan na nga kaya yung phone booth? Nasa kinalalagyan pa din ba yun?

Tahimik lang ang paligid. Hilik lang ni Natty ang naririnig ko ng biglang nag ring ang phone ko. Dis oras ng gabi naman. Baka teamAn-An na nag LQ na naman. Tsk.

Pag tingin ko sa phone ko nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan na tatawag pala ang taong ito. Natuwa ako at sinagot ko agad.

"Cams!!! Kamusta? Miss mo ako no?! Wag kang mag alala namiss din kita! Anyare napatawag ka?!"Sabi ko.

"HOY ERIN GENESIS REYES PHILIPPINES! NAPANO KA NA? MULA NG UMUWI KA NG PINAS HINDI KA NA NAKAALALA!" Sagot niya.

"Aray ko naman Cams sakit sa tenga. Makasigaw ka naman saakin ah. Sorry naman naging busy lang. Yun lang pala. Don't worry okay lang ako. Yan wag ka na mag-alala okay? Uy worried ang kaibigan ko kaya napatawag! Haha."Sabi ko.

"HEH!!!! MANAHIMIK KA DIYAN. NAPATAWAG LANG NAMAN AKO DAHIL NAIINIS AKO SA MGA BABAE MO! ARAW ARAW MAY NAGHAHANAP SAYO DITOM. LALO NA YUNG BISUGO NG MUKHA NA SI JESSICA! NAKAKAINIS AYAW NIYA SUMUKO! NAKAKAINIS KA ERIN! NAUUBUSA NA AKO NG ALIBI!!!"Sabi niya.

"Aray! Ayan inilipat ko na sa kanan yung phone ko dahil sa makabasag eardrum mong boses nabingi na ang kaliwa. Wag ka ng sumigaw wala na akong extrang tenga tuluyan na akong mabibingi pag sumigaw ka pa. Hahaha."Biro ko.

"So joke yun? Ano nga ang gagawin ko sa iniwan mong chick? Makukulong ako pag pinaslang ko sila isa-isa. Kung pwede nga lang nagawa ko no."Sabi ni Camille.

"Eto naman masyadong seryoso. Hayaan mo sila magsasawa din ang mga yan. Wag mo kasi pansinin. Kaw talaga."Sagot ko.

"Panong hindi ko papansinin lalo na yung Jessica mo hinahanap ka sa loob ng bulsa ko."Sabi niya.

"Hahahaha. So joke yun? Tawa na ako? Di huwag kang mag suot ng may bulsa para di niya ako hanapin sayo."Sabi ko.

"Hahahahahahaha. Sira. Mas waley ka talaga mag joke. Haha. Nakakatawa kasi corny."Sabi niya.

Nung marinig ko ang tawa niya para akong bumalik sa oras. Ang tawang yun na minsan nagpagaan sa loob ko. Ang tawa na minsan nakakahawa ang tawa na minsan din nakakaasar.

"Hmm. So kamusta naman ang love life natin diyan?"Naisip kong itanong.

"Pwede bang life nalang, huwag mo na tanungin ang love? Haha. So kamusta ang aking inaanak? Kumusta si Nath? At bakit. Gising ka pa?"Sabi niya.

"Hahaha. Hmm. Ayun natutulog. Okay naman kame masaya. Salamat hindi ka nagkulang sa pagpapayo saakin. Isa kang tunay na kaibigan.hmmm. Sige. How's life pala?"Sabi ko.

"Hmm okay naman. Eto ngudngod sa trabaho. At guess what?"Sabi niya.

"Ano? Uuwi ka na dito sa pinas?"Sabi ko.

"Baliw. Pano mo nalaman? Hehe. Magbabakasyon lang ako. Plano palang naman so dapat pag dating ko diyan labas tayo ha? Kasama si Nath at Natty."Sabi niya.

"Sus yun lang? Syempre. Gawin mo muna yung plano mo para maniwala ako na uuwi ka."Sabi ko.

Madami kaming kwento sa isat-isa ni Cams. Namiss ko din siya. Pero bilang kaibigan lang. Nagsisisi nga ako sa mga ginawa ko sakanya at sa binigay kong sakit ng ulo sakanya dati. Maya mayang konte lumabas ni Nath. Narinig niya daw na may kausap ako. Nung sinabi kong si Cams natuwa siya at inagaw saakin ang phone at sila na ang nag telebabad.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon