Prologue

6.3K 145 2
                                    

"Mga walanghiya kayo! Ang lakas ng loob nyong banggain ang grupo namin!!"sigaw ng lider ng mga pinakakinatatakutang babae sa school nila.

"So...sorry po.Patawarin nyo na kami."pagmamaka-awa ng isa sa apat na babaeng nakaluhod ngayon sa harapan ng anim na mga babae.

"Weh!Wala!Tumahimik ka na lang dyan.Girls!Pwesto na!"sigaw nung isa.

"No...no please ayoko nyan.Sorry na."may pagka maarteng sabi ulit nung babaeng nakaluhod.

"Sabing tumahimik ka!Aarte pa kasi eh!Girls! At the count of three ibuhos nyo na.Okay,1...2...3!Ibuhos na!"sigaw ng lider ng anim na mga babae.

At sabay-sabay na nga nilang ibinuhos ang mga hawak nilang timba na naglalaman ng maliliit na isda,palaka,ipis at daga sa apat na mga nakaluhod na babae.

Kasabay din non ang walang humpay na pagsigaw at pagtili ng apat na babaeng diring-diri sa mga hayop na ibinuhos sa kanila.

"Aaaaahhhh!!No!No!Kadiri!Alisin nyo to!"

"Waaaaaahhh!Tama na!Alisin nyo to!"

"Waaaaahhhh!!Fucking bitches!Kadiriiiii!!"

"Waaaaaahhhh!!Moooommmyy ko!"

"HAHAHAHAHAHAHA!!!"sabay-sabay namang napatawa ng malakas ang anim na magkakaibigan habang pinpanood ang apat na hindi na malaman ang gagawin mapaalis ang mga hayop na ibinuhos sa kanila.

"Ayan.Ayan ang napapala ng mga kumakalaban samin.Haha!"maangas na sabi ng lider ng anim.

"Walanghiya ka talaga Jenna!"angil na sagot ng isa sa mga babaeng nakaluhod sa lider ng anim na magkakaibigan.

"Oh?Kami pa walanghiya ngayon?!Kung di kasi kayo epal diba?Mga inggitera kase kayo!"sabat ng isa.

"Oo nga!Mga Pashnea kayo!Papanget nyo!Che!"dagdag pa ng isa.

"Once you've messed up with 6-Degree,you'll never be free."pahabol pa ng isa bago tumalikod at naglakad na sila palayo.Leaving the four poor girls na nakasalampak pa din sa sahig habang pilit pa ring pinapa-alis ang mga hayop na ngayo'y nakakapit sa katawan nila.

"Bye fellas!"

Sila ang 6-Degree.Anim na magkakaibigang kilala sa school nila maging sa labas bilang mga siga,pasaway at mga sakit sa ulo ng mga Professors.Walang araw na walang Professor ang naha-highblood dahil sa katigasan ng mga ulo nila.Sikat man dahil na rin sa taglay nilang kagandahan,wala namang may gustong lumapit upang makipag-usap dahil ayaw o takot silang mapagtripan ng anim na ito.Maging ang mga admirers at stalkers ay mas pinipili na lamang pagmasdan ang kanilang mga hinahangaan sa malayo kesa lumapit.

Pero pano na lang kaya kung dumating ang isang araw na makahanap sila ng mga katapat nila?Yung tipong kasalungat na kasalungat ng mga ugali nila at ang mga lalaking magpapabago sa kanilang masasamang ugali.

Magtagumpay kaya ang mga lalaking ito na mapabago ang mga nababaliw na bida ng storyang ito?

Hmmmmmm.....

Alamin natin yan dito sa Bad Girls Vs. Good Boys!
Enjoy reading!!-Ms.Hearts

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now