Chapter 88: Harley's Revelations 3

188 8 0
                                    

-flashback 3.0-

Harley's POV

Lumipas muli ang mga araw. Naging malinaw sakin yung pag-uusap namin ni kuya.

Pero hindi ko kayang iwasan si Maurene. Mahal ko si kuya pero mahal ko din si Maurene. I can't see myself without her.

"Babe, anlalim na naman ng iniisip mo." sabi sakin ni Maurene at yumakap mula sa likod ko.

Were here in her room. Simula nung nag-usap kami ni kuya hindi ko na siya dinala sa bahay namin. Alam kong magagalit lang si kuya at ayaw kong mag-away kami.

"Nothing babe, pagod lang ako." sabi ko at hinawakan ang mga kamay niyang nakayakap sakin.

I don't want to lose her.

"Hmm, may problema ka ba?" tanong niya at hinalikan ang tenga ko. Medyo napaiktad ako sa ginawa niya pero pingilan ko ang sarili ko.

"Wala po. Pwede bako matulog muna saglit dito sa kama mo?" tanong ko ng may namumungay na mata.

Ngitian niya lang ako at iginaya sa kama niya para makahiga. Humiga ako sa malambot niyang kama habang sinusuklay niya ng marahan ang buhok ko.

Nakakaantok yung ginagawa niya kaya tuluyan nakong nilamon ng antok ko.






---

"Babe..... Babe..... Babe huy! Gising kana." nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at ang maamong mukha niya ang bumungad sakin kaya napangiti ako.

"Ganda naman ng ngiti mo. Bangon kana jan. Magga-gabi na. Dito kana mag-dinner." sabi niya at agad akong napabalikwas.

"What time is it?" tarantang tanong ko.

"Uhm, 6:30." sagot niya at sumulyap sa suot niyang wrist watch.

Napangiwi ako. I can't make it to stay until their dinner. Kailangan ko ng umuwi. Dad told us na umuwi ng maaga for a family dinner.

Pilit ko siyang nginitian.

"Rene, ano kasi, may family dinner din kami sa bahay. Dad ordered that so we need to go home early." pagpapaliwanag ko. Medyo nawala yung sigla sa mukha niya pero nginitian niya lang ako at ginawaran ng halik sa labi.

"Sige. Babana tayo. Para makapagpaalam kana sakanila." sabi niya at nauna nang lumabas sa pintuan.

Sumunod ako sakanya at nakita ko naman agad ang parents niya na kaharap niya.

"Uhm, tito, tita, I'm sorry I can't join your dinner. May importante din po kasi akong kaialangang uwian sa bahay eh." paghingi ko ng tawad at napakamot sa batok ko.

Ngumiti lang si tita at tumango si tito.

"Ayos lang yun hijo. Maybe next time?" nakangiting sabi ng mommy niya.

"Sige po." nakangiting sagot ko. Nagpaalam nako sakanila at hinatid nako ni Maurene sa labas ng bahay nila.

"Ingat ka ha. I love you." sabi niya.

"Of course I am. Pag nawala ako, wala ka ng bf na pogi." nakangising sabi ko. Inirapan niya lang ako.

"Hhahahaha I love you more." bawi ko at hinalikan siya sa labi, noo, magkabilang pisngi at sa tungki ng ilong niya.

"Puro laway mo na naman mukha ko." natatawang sabi niya. Nginitian ko lang siya at masayang tumakbo papasok ng kotse ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko at nagdrive pauwi ng bahay.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now