Chapter 65: Legendary Dive

1.3K 49 19
                                    

Jenna's POV
Nandito kami ngayon sa likod ng school namin. Well, actually hindi naman likod. Para bang ito lang yung pinakamalayong parte ng school.

Tahimik dito at perfect place para mag-rehears ng isang nakakabanas na play. Marami ding puno at medyo mabundok dito. I mean, medyo pa-slant ang lugar.

Pagkatapos kasi nung meeting about sa party nagpaalam sila sa mga teachers namin na hiramin ang time para sa pagpa-practice ng play na ipe-present din next week. Yung nakakagigil na Romeo and Juliet.

Nagsisimula na silang mag-practice doon at kami nandito lang sa tabi. Hindi naman masyadong importante ang role namin kaya hayahay lang kami dito.

Liban nalang kay Kevin na binigyan ng role bilang isa sa mga pinsan ni Romeo. Masasabi ko namang magaling siya. Diko alam na magaling palang umarte tong siraulong batang to. Rising actor ba.

"Wooooh! Go Kevin!" cheer nila kay Kevin na pinangungunahan ni France.

"Pst! Wag maingay!" saway ni Marjorie. Yung theatre actress na nagdidirect ng play nato.

"Edi wag maingay. Waw." asar na sabi ni France kaya tinawanan nalang namin siya.

"Guys! Laro tayo! Wala naman din tayong ginagawa eh. Bilis na~~" excited na sabi ni France.

"Ano namang lalaruin natin dito?" tanong ni Allysa.

"Hihihi........." humahagikhik na sabi ni France. "Edi habulan! Langit-lupa tayo! Sigi na!" sabi niya pa saka tumayo.

"Ay sigi! Sali ako dyan France!" sabi din ni Lorraine saka tumayo at nakipag-apir kay France. Yan na. Nagtandem na naman sila.

"Sige maglaro kayong dalawa. Enjoy." bored na sabi ni Louie.

Agad namang nangunot ang mga nguso ni France.

"Lah! Sigi na! Sali din kayo! Allysa! Tara bilis!" pilit ni France at hinila si Allysa na nananahimik.

"Tsk! Ayaw ko! Kayo nalang! Magsali kayo ng iba dyan!" tanggi ni Allysa.

Napairap naman yung dalawa at lumayas. Siguro mag-aaya ng kalaro ang mga kawawang bata.

"Mga bata talaga. Haha!!" tatawa-tawang sabi ni Zeke.

"Luh? Saya mo ah." bulong ko. Na narinig niya din ata.

"Bakit? Naiin-love kana ba sakin?" nakangising sabi niya habang nakatitig sakin ng................ Err..........makahulugan.

Inirapan ko naman siya ng matinde. Kapal talaga ng mukha nito! Feeling Worldwide handsome eh no? Unti-unti na tuloy akong naniniwala na siya nga yung nabunot ko. Tsk! Pero baka naman hinde. Wag umasa. Masakit yon. ( eh? )

"Kapal mo! Manigas ka dyan!" sabi ko.

Natawa naman siya at nagulat ako ng bigla nalang siyang bumunot ng pagkadami-daming damo saka inihagis sakin. Sa mukha ko pa tumama lahat.

Err................sarap ng damo. Lasang damo. -_______-

Sa inis ko, bumunot din ako ng damo saka ibinato sakanya. Sinigurado ko talagang sa mukha niya tatama lahat. Para matikman niya din kung gano kasarap ang Bermuda grass.

"Aachhk! Pwe! Pwe!" siya yan habang dinudura yung mga damong hinagis ko.

"Hahahahahaha......................ang sarap no? Eto pa!" sabi ko saka bumunot ulit ng damo at hinagis ulit sakanya.

Sorry siya. Siya naman nagsimula eh. Natuwa lang ako.
Pasensya na din sa mga damong nandito. Pero mapapanot na kayo ngayon.

"Ang sama mo!" sabi niya at bumunot ulit ng damo saka inihagis sakin.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now