Chapter 87: Harley's Revelations 2

206 9 1
                                    

-flashback 2.0-

Harley's POV

Lumipas ang mga araw. Normal pa rin naman para sakin. Masaya ako na nakabalik na si kuya sa bahay matapos ng maraming taong nawala siya.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip. Ang laki ng pinagbago niya. Lalo na sa pisikal niyang katangian. Mas lumaki ang katawan niya at naging maskulado. Halata ko din yung mga galos, gasgas at mga peklat sa katawan niya na magaling na. Nakita ko yon nung minsang bumalandra siya sa buong bahay ng walang suot na t-shirt.

Palagi din siyang umaalis at hindi nagsasabi ng pinupuntahan niya. Maski sakin wala siyang sinasabi.

Gusto ko sanang magtanong sakanya about sa mga peklat niya pero nanahimik nalang ako. Ayaw ni kuya na nakikialam sa buhay niya. Alam ko rin kung paano siya magalit kaya nanahimik nalang ako.

Kahit mabait siya sakin basta nagalit siya, wala siyang sinasanto. Ganon siguro yung dahilan kung bakit walang nagawa sina mommy nung umalis siya dati.

"Babe, bat dika nagsasalita jan? May problema ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Maurene.

Nginitian ko lang siya.

"Wala yun. May iniisip lang ako." sagot ko at hinalikan siya sa noo.

Nandito kami sa tambayan namin sa school dito sa may mga puno sa field. Mahangin dito at walang masyadong tao kaya masarap tumambay.

"Hmm, ano ba kasi yang iniisip mo at parang ang lalim ata." tanong niya.

Hindi ako sumagot at niyakap lang siya. Naramdaman ko namang napabuntong-hininga siya.

"Uy! May problema ba? Sabihin mo sakin. Baka may maitulong ako? Hmm? Hmm?" pangungulit niya.

Napakamot ako sa batok ko. Wala akong laban kapag nangulit na siya. Mapapaamin talaga ako ng wala sa oras kapag siya na ang nagtanong.
Hindi ko rin kasi kayang magsinungaling sakanya.

"Si kuya kasi. Dumating na galing states." maikling sagot ko.

Isang simpleng 'ahh' lang ang isinagot niya.

"Oh bat parang dika masaya? Diba nakwento mo siya sakin? Siya yung kuyang close na close mo diba?" takang tanong niya.

"Oo. But, I don't know. Pakiramdam ko nagbago siya mula nung umalis siya at makabalik sa bahay. Pero ganon pa rin naman ang pakikitungo niya samin. Lalung-lalo na sakin. Pero may kakaiba eh. Sa pangangatawan niya---" sagot ko at napatigil.

"Oh okay naman pala siya eh. Ano pa inaalala mo jan?" tanong niya.

Umiling lang ako.

"Wala naman. Hayaan mo na." sabi ko at nginitian siya.

"Alam mo Harley, nagbabago talaga ang tao. Hindi maiiwasan yun. Every stage ng buhay natin, makakaranas tayo ng mga bagay at matututo mula sa mga pagkakamali natin. Kasama na dun ang pagbabago. Maybe para sa sarili mo o para sa mga taong mahal mo. Kailangan mong maintindihan yun. "pagsesermon niya sakin.

Napakatalino talaga niya. Kaya siya ang tipo kong babae. Dahil bukod sa mabait, matalino pa.

"Opo madam." sagot ko na parang batang sinisermunan ng nanay niya.

"Ano nga ulit pangalan ng kuya mo?" biglang naitanong niya.

"Harvey. Neil Harvey Montefalco." sagot ko na ikinatigil niya.

"Bakit? Anong problema?" takang tanong ko.

Ngitian niya lang ako ng usual smile niya na nakakapagpawala ng mga pinoproblema ko sa buhay.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now