Chapter 85: Casino Royale

327 10 2
                                    

-One of the VIP rooms in Casino Royale-

"ANO BA NAMAN KAYO! BAKIT ANG TATANGA NIYO!?" galit na galit na sigaw ni Andrea sa mga tauhan niyang nasa harapan.

"Eh boss kamukhang kamukha nung sasakyan natin yung dala eh. Kaya akala namin------"

"FUCK IT! HINDI NIYO MANLANG BA CHINECK KUNG SINONG MAY DALA?! ALAM NIYO NAMANG IMPORTANTE YUNG MGA ITEMS NA YON!" putol niya sa isinasagot ng isa.

"Sorry boss." paghingi nila ng tawad.

"Tama na yan Andrea, wag na tayong magsisihan. This is everyone's fault." kalmadong sabi ni Bella.

Halos mawala naman ang itim sa mata ni Andrea ng umirap ito dahil sa inis.

"Umalis na nga kayo! Mas lalo akong naiimbyerna sa mga pagmumukha niyo!" galit na utos niya sa mga tauhan at isa-isa naman itong nagtungo sa pintuan para makalabas sa silid.

Padabog siyang umupo sa isang single couch at madilim ang mukhang natahimik.

"They're really getting on my nerves. Napaka-pakealamera nila. How can they even know about the deal?---or maybe may spy dito?!" galit ngunit pinapanatili pa rin ni Andrea ang pagiging kalmado niya.

"Tama na yan. Bella's right. This is everyone's fault. Hindi tayo naging ganon kaingat kaya tayo naisahan ng Jenna na yon." pagpapakalma ni Stacy.

Muling napairap si Andrea at napabuntong-hininga.

"Pano yung mga Yakuza at Mafia. Nahuli daw sila ng pulis." tanong bigla ni KC at napabalikwas sa pagkakaupo niya.

"Tss, wala akong pakialam sakanila. Ang bobobo nila gumalaw kaya sila nahuli. Kasalanan na nila yun." matigas na sagot ni Andrea.

"Pero pano pag niresbakan tayo ng mga yun?" nag-aalalang tanong ni Stacy.

"Hindi nila gagawin yun. Hindi nila tayo papakialaman ngayong hindi naman natin kasalanan at nabanggit ko na din sakanila ang tungkol sa Black Rose na gusto nating talunin. They can't blame us." paga-assure ni Andrea at nagsalin ng whiskey sa baso niya sabay inom nito ng dire-diretso.

" What about the diamond? And the drugs? " tanong ni KC.

Ininom ni Andrea ang natitirang patak ng whiskey sa baso niya at inilapag ito sa lamesa.

"Jenna got those briefcases. So that means----wala ding natanggap ang mga Yakuza nayon katulad natin." sagot nito at napakuyom na naman ang mga kamao.

Bumagsak naman ang balikat ng tatlo sa narinig.

"Pano na? What's the plan?" tanong ni Stacy.

Napangisi naman si Andrea bago sumagot.

"Kung hindi natin madadaan sa tahimik na paraan, edi daanin nalang natin sa santong bugbugan." nakangising sagot niya.

Tila naguluhan naman ang tatlo sa isinagot niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nila.

"Gang war." tipid na sagot nito na ikinatigil ng tatlo.

"P-pero----pano kung matalo ulit tayo. Yung gang war 2 years ago, it was a tragedy among Black Blood's history. Alam mo yan." nag-aalalang sabi ni Bella.

"Dahil doon namatay ang daddy mo." dagdag pa ni KC dahilan para maikuyom ni Andrea ng mahigpit ang kamao.

Ramdam nilang tatlo na mas lalong umigting ang galit sa aura ni Andrea kaya natahimik nalang sila.

"Tama ka, and it is about time to hail Black Blood's name among the gangster world again. I don't want to let Black Rose continue to rule everything." mahinahon ngunit may diing sabi ni Andrea.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang