Chapter 46: Last Day

1.6K 71 2
                                    

Eto na mga bibi!!

----------------------

Zeke's POV

"Ano hyung?Na-contact mo na ba?" tanong ni Vincent habang nakatutok din sa tenga niya yung phone niya.

"Ayaw sagutin eh."sagot ko at sinubukan ulit tawagan ang number ni Jenna.

Kagabi pa namin sila hinahanap.Bigla nalang kasi silang nawala kagabi nung nasa Bonfire kami.Ewan ko na naman kung saan nagpunta.Mala-ninja nawala.

"Pano na?Kailangan na natin silang mahanap.Uuwi na tayo."sabi ni Kevin.

Napakamot nalang sila sa mga ulo nila.Hay~

Last day na ngayon.Maya-maya din magsisimula na ang final orientation ni Sir Alvarez para sa mga campers.

At hindi pa din namin nakikita yung mga babaeng yun.
Yung mga gamit nila dito nakakalat pa.

"Okay.Ganto nalang.Maghiwa-hiwalay tayo para madali natin silang mahanap.Kailangang bilisan dahil in no time,kailangan ng pumunta sa Hall.Bawal ma-late."utos ko at sunod-sunod naman silang nagsibas sa room.

Lumabas nalang din ako.Kahit na imposibleng mahanap namin sila agad dahil sa laki ng school na'to.Okay lang.Basta mahanap.

Kung sino-sino na ngang tinatanong ko.Halos lahat naman ata ng estudyante dito kilala silang anim.

Nakasalubong ko pa nga si Harley dala yung mga bags niya.
Ang sama ng tingin sakin.Parang papatay ng tao.

Ewan ko ba diyan.Laging tahimik.Di mo tuloy malaman kung anong gustong sabihin.

Speaking of,pati pala sina Andrea wala kagabi.Hindi ko din sila nakitang bumalik sa room.Sana naman hindi nangyari yung iniisip ko.

Habang naglalakad ako,maraming bumabati.

"Good morning Pres!"

"Hi Zeke!"

"Ang gwapo mo!Ahhh!!"

Nginitian ko nalang sila.Kailangan ko ng mahanap si Jenna eh sorry guys.

Nakita ko si Kathleen.Isa sa mga kaklase namin.Agad ko siyang nilapitan para magtanong.

"Uhm.........Kathleen.May itatanong lang sana ako."sabi ko at kinalabit siya.Busy kasi sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

"Ano?"

"Itatanong ko sana kung nakita mo ba sina Jenna?"

Sandali siyang nag-isip.

"Ay oo!Kakadaan lang.Papunta atang room."sagot naman nung isa niyang kaibigan habang nakangiti sakin ng todo.Si Annie ata to.

"Ganon ba?Sige salamat!"sabi ko at kumaripas na ng takbo papuntang room.
Lagot talaga sakin yung mga yun!

Pagdating ko don.Naabutan ko silang nag-uusap sa labas.Wala pa sina Vincent dito.

Napansin ko lang yung mga kalmot at galos sa braso't mukha nila.Lalo na yung bandage na nakabalot sa kamao ni France.

Wag mo sabihing..........................

"JENNA!!"sigaw ko dahilan para mapalingon sila.

Seryoso ang mukha ko habang palapit.

And titigas talaga ng ulo nitong mga to!!Nakipag-away na naman!
Yari ako kay Tita Agatha nito pag nalaman niya.

"ALAM NYO BANG MAGDAMAG KAMING NAGHANAP SA INYO!?SAAN NA NAMAN KAYO NAGPUNTA?!"nanggagala-iting sigaw ko.Nakakainis kasi eh.Hindi man lang nagpa-alam.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now