Chapter 19: Long o Short?

2K 64 2
                                    

Lorraine's POV
Bwiset talaga eh!Nakakainis!Ba't kasi ako pa naging leader nitong sampung mga kumag na'to eh?!

Andaming alam talaga!Dagdag pa to sa mga magiging stress sa buhay ko eh!

"Antagal naman ng dalawang yun!Ano na kaya pinag-gaga-gawa nung mga yun?"bagot na sabi ni Louie.Kahit kailan talaga napaka-mainipin nitong babaeng to.

"Oo nga eh.Tawagan nyo na nga."utos ni Jenna.Ito namang babaeng to kahit kailan kuripot.May load naman sya pero ba't di nalang sya tumawag?Hayyss......

"Wala nakong load.Allysa!Tawagan mo daw."pasa ni Louie kay Allysa na tahimik na nakayuko sa cellphone nya sa gilid.

Pero ilang minutes wala pa ring imik si Allysa.......

"Hoy!Allysa!Tawagan mo daw sina France!Wala na'kong load!"sigaw ni Louie sa tenga ni Allysa.
Psh!Ganyan talaga yan si Allysa.Minsan nalipad ang utak.Di lang pala minsan.Kundi lagi.

"Putang--------"

"Allysa bunganga mo!"singit agad ni Justin pandak sa sasabihin nya.

Napairap nalang si Allysa.

"Ano ba kasi yun?"Oh tingnan mo?Ang henyo nya talaga.Ang lakas na ng sigaw ni Louie sa tenga nya di nya parin naintindihan.

"Tawagan mo na daw si France.Wala pa eh."ulit ni Maurene.

Imbis na sumagot pa,tumahimik nalang si Allysa at idinial number ni France.

"Yeoboseyo?Wae?Ate Allysa?"bungad ni France.

"Dalian nyo na daw.Mauubos load ko."poker face na sabi ni Allysa.Ano naman koneksyon sa load nya?

"Ahh......Okie!Annyeonghaseyo!"
reply ni France tapos pinatay na ang tawag.

Maya-maya pa dumating narin sila.

"Annyeong!Guyseu!!"sigaw agad ni France pagkapasok.Eto na,nandito na ang Alien ng grupo.

"Wag ka nga maingay!"sigaw din ni Louie.

"Eh ba't ikaw ate Louie?Nasigaw?"balik ni France sakanya.

"Aba't--------"

"Tama nayan!Lorraine magsimula na tayo."singit ni Jenna.Buti laging nandito to.Referee yan ng mga nababaliw naming kaibigan lagi.

Binuksan ko naman na agad ang PC at tinawag sila para makapag-simula na.

--------------------------------

France's POV
Kanina pa sila nagsisimula sa project.
Isa-isa ginagawa nila kaya ang iba nakatengga lang dito.

Ngayon,si Zeke oppa na nagtuturo.Tapos vini-videohan nila.
Tapos na sina Ate Jenna,Lorraine at Seth.Kaming walo pa hindi.

Kanina pa talaga ako di maka-connect sa Wifi nila Lorraine!Binago ba nila yung password?

"Lorraine!Ano password ng Wifi?!"tanong ko.

"Sssshhh!!Ano ba France!Wag ka maingay!"mahinang sigaw ni Lorraine.

"Sorry naman.Ano na ba kasi?"tanong ko pa ulit.
Napabuntong-hininga nalang sya.Haha!Wala talagang mananalo sakin!Ayaw pa sana nyang sabihin eh.

"Itanong mo nalang sakanila."ay?Kala ko sasabihin nya na?Pagtatanungin pa ko sa mga to?

Una kong kinalabit si ate Maurene na nasa tabi ko lang.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now