Chapter 91: Harley's Revelations 6

263 8 2
                                    

-continuation of flashback-

Harley's POV

"Oh that's great!" Andrea exclaimed while clapping her hands.

She looks so happy like she won a lotto. Tss, am I that big time for her to work hard to make me say yes?

Hindi ako sumagot o nakingiti sa pagsasaya niya. Nang mapansin niyang wala akong imik, tumigil siya sa pagngiti at sumeryoso muli ang ekspresyon.

"But there's one condition."

I arched a brow. What? Bakit siya ang may kondisyon? Siya yung naga-alok ng deal. Ako ang papayag at siya ang magpapapayag. Diba dapat ako ang may kondisyon?

Hay ewan. Gulo.

"What is it?"

"You need to get rid of people that may cause distraction."

She said seriously. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. What does she mean?

Iiwasan ko ang pamilya ko? Mga kaibigan ko? At------ang taong mahal ko?

I suddenly got confused. Pamilya ko nalang ang meron ako at pinapahalagahan ko matapos mawala si Kuya. Pati mga kaibigan ko. Most of all for Maurene. Ito nga yung dahilan kung bakit pumapayag ako sa alok ng babaeng 'to. Para maprotektahan sila.

"No." matigas na sagot ko.

"Then this is all useless." sagot niya at akmang tatayo na sana ng pigilan ko siya.

Hindi pa siya pwedeng umalis hangga't wala akong nahihita sakanya. Diko pwedeng sayangin ang oras ko sa wala.

Mahalaga silang lahat sakin pero tuwing maaalala ko yung itsura ni Maurene nung araw na yun. Yung galit niyang ekspresyon at walang buhay na mga matang parang papatay ng tao. Yung pagtatago niya sakin ng totoo. I felt like being betrayed by the most trusted person in my life.

"K-kailangan kong iwasan ang pamilya ko? Mga kaibigan ko?" tanong ko.

She just smiled and got back to her seat.

"Hindi naman. What I mean by that is for only one person. That Maurene to be exact." sabi niya at ngumisi.

Shit. Sabi na nga ba.

Sinamaan ko siya ng tingin. She knew who's Maurene in my life. And she also knew who is the real Maurene. Na kalaban ng grupo niya at magiging kalaban ko din pag nagkataon.

"Look, I know you've already knew who she is. Magiging sagabal siya Harley. Alam mo yan."

Hindi ko siya pinansin at patuloy na nag-isip. Naguguluhan ako. I can't afford to loose her kahit na ganito ang nangyari at nalaman ko ang totoo. Hindi naman siya ang may gawa non kay Kuya. Pero kakampi at kaibigan pa rin siya ng gumawa nun kay Kuya.
Pero mahal ko siya.

What the fuck is this?!

"Whether you choose or not, madadamay at madadamay pa rin siya dito. Now if you'll dumped her from here, mababawasan ang pangamba mo para sakanya. Besides, she can protect herself." dagdag niya. "............ but you, cannot do that to yourself. Nakaya niya ngang hindi sabihin sayo ang totoong siya."

Napatingin ako sakanya dahil sa huling sinabi niya. Tama siya. Ni hindi ko namalayan na ganon pala siya kapag nakatalikod ako. Na buong akala ko iba siya sa mga kaibigan niyang kababaeng tao tapos barumbado. But I was wrong.

She's not different from them.

Hinawakan ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko. Idagdag mo pa yung itsura ng babaeng nasa harap ko na ngisi ng ngisi. Kalamo close kami.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now