Chapter 98: Ticket

170 10 1
                                    

Jenna's POV

Parang ang sarap manampal ng bata ngayon. France ang pangalan.

"Eh kasi nga nakita ko nga siya eonnie!"

Kahapon pa siya ganyan. Maka-ilang daang ulit niya nang sinasabi samin yan. Na nakita niya daw si Harley.

"Oh inano ka naman ba?" tanong ni Louie.

"Wala..........tinignan niya lang ako tas inirapan. Tas umalis na." sagot niya at nagkamot ng ulo.

"Hindi ka naman pala inano. Tumahimik ka nalang jan." sambit ni Allysa saka nagpatuloy sa paggupit ng mga tickets.

Pinamigay na kasi samin yung mga tickets para masimulan nang ibenta.

"Eh baka may balak siya! Ano pag nakita ko, upakan ko na ba?" sabi niya at nakigupit-gupit din.

"Hayaan mo nalang siya. Hindi ka naman inano." sabi nitong Maurene sa tabi ko.

Ngumuso naman ang France saka kinalabit ako.

"Pinagtatanggol niya oh......inaway kaya ako ng Harley na yun dati." sumbong niya sakin.

Inirapan ko siya at inambahan. Naghahanap pa ng away ang batang 'to.

"Nga pala Rene. Pano ka nakalayas ng matiwasay sa puder ng Harley nayun?" Lorraine asked that made Maurene stopped from what she's doing.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Hinayaan niya ko..........." huminto siya at pinaglaruan ang gunting sa kamay niya. "..........nag-usap kami. Tapos nagka-intindihan din."

I arched an eyebrow.

Nagka-intindihan?

Panong nagkaintindihan eh mahirap kausap ang lalaking yun? Galing pa ata sa kailaliman ng daigdig ang galit non sakin at sa mga kaibigan ko simula nung mangyari yun sa kuya niya.

Ako ang numero-uno niyang sinisisi.

"Talaga? Paano?"

"He explained to me his reasons. Mga rason na matagal ko nang hinihintay marinig sakanya dati pa. Including the issue with Andrea. Wala naman talagang pakialam sakanya ang babaeng yon. Ginamit lang siya para maitayo muli ang gang na napabagsak natin dati." paliwanag niya.

Ayos. Nakasagap na naman kami ng chismis ngayon.

"Ano sabi niya? Balak pa bang makipagbalikan sayo?" tanong ni France na akala mo chismosang kapitbahay.

"His feelings never changed. But we all knew that we can't bring back the old days."

"Sus......imposible yan." naiiling na sabi ni Louie.

"But he did. Ramdam ko kung nagsasabi ng totoo ang tao o hindi." katwiran ni Maurene.

".........magka-ayos na kami." dagdag niya. "............pero hindi na mababalik yung dati."

"Sabi na eh!" France exclaimed.

"Anong sabi na eh?" Maurene asked.

"Sabi na may feelings pa rin siya sayo! Hihihihi......." sagot naman ng isa saka humagikhik.

Napangiwi nalang si Maurene sa kakupalan ng batang 'to. Mano bang ipasok nalang bigla sa usapan ang issueng yon?

"Sinong may feelings pa?"

Lahat kami natigilan at nilingon ang taong nagsalita. It was Bricks. Madilim ang tingin niya at seryosong-seryosong nakatingin kay Maurene.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now