Chapter 68: Zoey

1K 35 2
                                    

Author's Note:
         Ipagpaumanhin niyo po ang sobrang tagal kong UD. Hahaha........


***



Jenna' POV
Kanina pa kami naka-alis sa school at kasalukuyan na naming binabaybay ngayon ang daan patungo sa hindi ko alam.

Nilingon ko yung Kumag at poker faced lang siya habang nakatingin sa daan at nagda-drive.

Aano na naman kaya kami?

Baka mamaya tuluyan na palang na-invade ng demonyo ang utak nito at may gawing masama sakin. Tapos itapon nalang ang katawan ko sa ilog.

Naku! Nako! Sisipain ko talaga siya ng matinde.

Syempre no, kahit kayo kung anu-ano din iisipin niyo pag bigla nalang kayong hinila sa kung saan. Kahit kilala niyo pa yun.

Sa panahon ngayon, hindi na madaling magtiwala kahit kanino.

"Oy. Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

Sandali niya naman akong nilingon saka ibinalik ulit ang paningin niya sa daan.

"Hulaan mo..." mapang-asar na sagot niya.

-____________-

Ginawa pa'kong manghuhula ng bwisit na'to.

"Hindi ako manghuhula. Kaya sabihin mo na. Bago pa'ko magalit sayo." seryoso kong sabi.

He smirked. "Re-reypin  kita." sabi niya sabay tawa.

Aba't gagu talaga ang isang to!

"T*ngina mo! Baliw ka ba!? Ibaba mo'ko dito! Papatayin talaga kitang bwisit ka!" galit kong sabi saka pinaghahampas siya.

At dahil don, gumewang-gewang ang sasakyan at muntik na kaming mabangga sa poste. Buti nalang naitigil niya agad ang sasakyan.

"Are you dumb!? Kita mong nagda-drive ako eh!" galit niyang sigaw sakin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Gagu!

"Ako pa sinisi mo!? Sasagot lang ng maayos di pa magawa." masungit kong sabi.

Napangisi lang ulit siya.

"Joke lang kasi yun." sabi niya.

Inirapan ko lang siya at binuksan ang pinto ng kotse saka lumabas.

"W-wait! Teka! Saan ka pupunta!?" tanong niya.

"Sa bahay! Uuwi nako! Bahala ka dyan!" sabi ko saka pabalibag na sinarado ang pinto.

"No. You're not leaving. You're coming with me." seryosong sabi niya at hinawakan yung braso ko.

Eh? Kanina lang nasa loob pa ng sasakyan to ah? Nu yun? Nag-teleport?

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko at hinawi ang kaunting bangs na nakaharang sa mata ko.

"Kung sinasabi mo kasi kung saan tayo pupunta diba? Malay ko ba kung mamamatay tao ka pala. Nagdi-disguise lang." sarcastic kong sabi.

Inirapan niya naman ako. "Hindi kita papatayin no. Tsaka kung gagawa man ako ng masama. Susulitin ko na." nakangising sabi niya habang tinataas-taas yung kilay.

Double gagu!

"Hindi mo talaga sasagutin ng maayos ang tanong ko?" seryoso kong sabi. This time, sinigurado ko na na binigay ko na ang pinaka-cold stare na meron ako.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Fine. Pupunta tayo sa bahay ng parents ko. Ipapakilala kita kay Zoey." maayos na sagot niya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now