Chapter 52: To The Rescue!

1.8K 60 4
                                    

Jenna's POV
Matapos ng mahaba-habang tanungan at gisahan na may kasamang pahiyaan pa kanina kung bakit kami na-late. Lumayas na rin sa wakas ung panot na teacher na yun. May gagawin pa daw sila para sa Exam sa Thursday at Friday.

Tsk! Nanggigigil na talaga ako sa teacher na yan eh! Lagi nalang! Hindi talaga mabubuo ang araw nya pag wala siyang napahiya kahit isa saming anim.

And it turns out na ako para ngayong araw.

Hay bwishit! Kahit kailan talaga isa din sa mga pinoproblema ng mga estudyante yang mga bully at walang magawang teacher nayan. Parang sandali lang na-late eh.

Palibhasa tumatanda na. Lumalakas na ang sapak sa utak.

"Huy! Tama na kaka-simangot. Ang panget mo."biglang sabi ni Zeke.

Imbis na pansinin yung sinabi niya. Lalo lang akong sumimangot. Naiinis talaga ako!

Pag ako napuno sa teacher nayun. Nako! Tatampalin ko na yun!

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga.

"Tama na ang pagluluksa. Tapos na yung kanina. At hindi na yun mauulit."sabi niya na natatawa pa.

Napa-irap lang ako.
"Gusto mo ikaw ipagluksa? Tsk! Kung ako sana pinag-drive mo sana nakarating na tayo agad!"inis kong sabi.

Ngumiti lang ang luko.
"Mas mabuti ng ako ang mag-drive. Para iwas disgrasya."sabi niya at tumayo bitbit ang bag niya.

Uwian na pala. Naglalabasan na yung mga magagaling naming kaklase.

Na pinangungunahan ni France.

"Guys! Uwian na!"masayang sabi niya at diretsong naglakad palabas. Nagsisunod naman sakanya yung iba.

"Psst hoy! Teka lang! Maglinis ang cleaners!"pahabol ni Shane.

"Eto si Sean cleaners yan! Tatakas na naman!"kantyaw ng iba sa isa naming kaklase.

Wala na rin naman siyang nagawa kundi pumasok at maglinis. Tsk! Palagi kasing tumatakas yan. Pati yung ibang balak sanang tumakas nagsibalik.

Takot madaganan ni Shane.

Tumayo na'ko sa upuan ko at kinuha yung bag ko. Gusto ko na umuwi. Bahala sila dito magkagulo.
Di naman ako cleaners.

Paglabas ko ng room. Nandun na silang lahat. Ako nalang ata ang inaantay.

"Tara na! Uwi na tayo!"sabi ni France at pinangunahan na naman ang paglakad.
Mukang si Dora tong batang to.

Tahimik lang ako habang naglalakad. Nag-iisip ako ng paraan para mapilit si Zeke na ako na ang pagdraybin.

"Guys! Pagkatapos ng exam gala naman tayo!"sabi ni France.

"Ay oo! Punta tayong mall o amusement park, o manuod nalang tayo ng sine!"suggest naman nito ni Kevin. Nag-tandem na naman silang dalawa sa galaan.

"Tsk! Andami niyong plano ah."sabi naman ni Seth.

"Kung ayaw mo wag ka sumama samin!"sabi naman nito ni Lorraine. At ayun. Nagsimula na naman silang mag-away na dalawa. Parehas ayaw patalo.

Nag-uusap-usap lang sila ng kung anu-ano habang naglalakad. Main topic ay yung galaang mangyayari.

Para sakin okay lang yun. Basta galaan wala akong inuurungan. Ano? Laban ka? Sapak you want?

Pinsan kaya ako ni Dora.
Ako si Jenna the Explorer! Haha! Okay. Walang tumawa. Basta sakyan niyo nalang mga jokes ko. Minsan lang yan.

Malapit na kami sa parking lot ng makasalubong namin si Harley. Mga ilang minuto rin siguro kaming tumigil at nakipagtitigan sakanya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now