Chapter 57: KISS

1.8K 48 8
                                    

The long awaited UD is back!Enjoy reading!







Jenna's POV
Nakarating na kami sa bahay. Tahimik pa rin ako at hindi nagsasalita. Ayokong magsimula ng usapan tungkol sa pangyayari kanina.

Tangina talaga!

Nakita niya kong makipaglaban kanina. Bwisit! Bakit kasi ngayon pa sumugod yung mga ulupong na alagad ni Andrea eh! Bakit kung kailan kasama ko si Zeke saka sila nagpakita.

Gusto ko din sanang sigawan tong Kumag na'to dahil hindi niya ko sinunod na wag siyang lalabas hanggat hindi ko sinabi pero baka mag-away lang kami. Pagod ako. Wala na'kong energy makipagtalo sakanya.

At ang masama pa nito, nagsisimula na rin silang matuto na gamitin sina Zeke laban samin.

At yun ang hinding-hindi ko papayagan.

Alam kong punung-puno na ng tanong ang utak niya. Alam kong marami siyang gustong malaman at nagsisimula na rin siyang maghinala. Dahil sa tuwing itatanong niya kung anong problema, wala akong maisagot na matino.

Hindi naman kasi ganun kadaling sabihin yun eh. Kung isa siguro akong engot at walang pakialam na babae, malamang pinagkalat ko na sa buong school na isa akong gangster-------na mga gangster kami. Na kinatatakutan sa labas at dapat sila rin.

Pero hindi ako ganun at inaalala ko na may mga magulang akong nasa tabi-tabi lang at siguradong yari ako pag nakarating sakanila ang balita.

Mas mabuti ng wala muna silang nalalaman.

Bored kong binuksan ang pinto sa side ko at bumaba. Medyo napangiwi pa'ko dahil tumama yung braso ko sa may pinto. Pota! May bago na naman akong pasa!

"Uhmm.......... Jenna." napatigil ako sa paglalakad at napalingon kay Zeke.

Hindi ako sumagot at tinaas lang ang kilay ko. Feel kong maging pipe eh.

Nag-aalangan pa sana siyang magsalita pero nagsalita naman.

"If you don't mind, sino yung-----" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.

"Mga walang kwentang taong hindi matanggap na natalo ko sila." walang buhay kong sagot.

He let out a deep sigh at tiningnan ako ng seryoso. Parang hindi pa siya kuntento sa isinagot ko. Magsasalita na sana siya ng mabilis ko siyang hinila papasok sa gate namin.

Dinala ko siya sa sala at pinaupo sa sofa. Walang mga tao dito sa baba. Malamang nandun yung mga katulong sa kwarto ni Yohan. Nakikisakay sa kalokohan ng batang yun.

Tiningnan ko yung kabuuan ng mukha niya. May namumuo ng pasa sa kaliwang panga niya. Puro gasgas din yung mukha at leeg niya.

Tsk! Ang tigas kasi ng ulo ng Kumag na'to eh. Sabi ng wag lalabas, lumabas padin.

Yan tuloy nabawasan ng 0.1% ang kagwapuhan.

"Dyan ka lang kukuha ako ng gamot." sabi ko at dumiretso sa kusina. Iniwan ko siya doong nakatanga.

Pagbalik ko, naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Ng mapansin niya siguro ang presensya ko, nagpaalam na siya sa kausap niya. Sa tingin ko isa yun sa mga kaibigan niyang Kumag din.

"Umupo ka dito." utos ko at tinuro yung sofa.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya. Tsk! Tiningnan ko siya ng masama ng hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Gusto pa atang pantayin ko yung kulay violet niyang blush on sa panga eh.

Nakasimangot naman siyang naupo sa sofa. Yan. Makuha ka sa tingin.

Lumapit ako sakanya at kinuha ang ice bag na dala ko. Dinampi ko yun sa panga niya at medyo napangiwi siya.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now