Chapter 47: Curious

1.6K 63 6
                                    

Jenna's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng tumutunog na cellphone.

Pisti!Istorbo naman to!

Padabog kong dinampot yung phone ko sa study table.

"WHAT THE HELL DO YOU WANT?!" iritable kong sigaw sa kung sino man tong kausap ko.

"HOY BABAE!TANGHALI NA NATUTULOG KA PA DIN!!"balik na sigaw niya.Bahagya ko tuloy nailayo sa tenga yung phone.

Sinilip ko kung sino yung tumatawag na'to.

-________-

Si Hana.

"Tss......Bakit ba?"

"Hoy!Natanggap mo ba yung text ko?Kanina pa'ko dito sa cafe ah!" reklamo niya.

"Oo.Eto na.Paalis na."sabi ko nalang kahit na pababa palang talaga ako ng kama ko.

"Talaga lang ah."

Pinatay ko na yung tawag.Napasarap ata yung tulog ko.
Teka,anong oras na ba?

11:30?Oh tingnan mo.Sabi sayo napasarap eh.

Pumasok na'ko sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin.

Pagkatapos,I then go straight to my walk in closet at basta nalang humugot ng isang itim na T-shirt at skinny jeans.Dinampot ko na din yung boots ko.

Pagbaba ko,tahimik.Tulog pa ata si Yohan. Wala pang batang patakbo-takbo eh.

"Yaya si Yohan?"tanong ko sa yaya niya.Matagal na sila dito pero ni isa sa kanila wala pa'kong natatandaang pangalan.

"Ay nasa kwarto niya pa po Mam.Tulog pa."sagot niya at ipinagpatuloy ung pagpupunas nung glass table.

"Ahh.........Oh sige.Pag nagising pakainin mo.Basta alam mo ng gagawin."bilin ko sakanya.

She just nod.

Minsan naaawa na din ako sa kapatid ko.Lagi nalang siyang walang kasama dito.Walang makalaro.Kaya pag minsang dumalaw si Zeke o di kaya sina France, excited siya.Kung saan-saan niya hinihila para maglaro.

Naiinis din ako kina Mommy't Daddy.Kasi bakit pa nila kailangang umalis at iwan kami dito?Lagi nalang silang busy.Wala tuloy silang time para samin.

Pero alam ko namang para samin din yung ginagawa nila.

At may kanya-kanya din kaming problema na dapat problemahin.

Ipinark ko na yung motor ko sa parking space nitong cafe.

Kung tutuusin malapit lang naman to sa bahay namin.
Yun nga lang,hindi mo malalaman ang existence ng cafe na'to kung hindi ikaw mismo ang unang makapunta.

Tago kasi yung lugar.Madalas din kami ditong tumatambay dati.

Ewan ko nga kung bakit laging maraming customers kahit na malayo na'to sa kabihasnan.

Speaking of,saan ko naman hahanapin yung babaeng yun?Malaki tong cafe.Aabutin ako ng siyam-siyam sa paghahanap sakanya.

Mabilis Kong dinukot yung cellphone ko sa bulsa at tinawagan siya.I'm hungry though.

"Hoy.Nasan ka?"

"Basta!Hanapin mo lang yung pinakamaganda."tatawa-tawang sagot niya.

Bwiset na'to.Ayaw pang sabihin.
-______-

"Gusto mong hanapin ko pa sarili ko?"nang-aasar kong tanong.

"Tss..........Nasa Second Floor ako.Bilisan mo." badtrip niyang sagot.Ahaha!!I win!

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now