Chapter 6:New Life with the Bodyguards

3.4K 91 2
                                    

Lorraine's POV
YES!Woooooo!!YES!May POV na rin ako sa wakas!Wooooo!!

Ansaya ko ba?Malamang.Halata naman diba?Nagtatanong ka pa.Well,masaya ko ngayon kasi bukod sa may POV na rin ako sa wakas makalipas ang limang chapter ng storyang to,eh ngayon na kasi ang alis nila mommy papuntang States.Atleast nabawasan ng dalawa ang mga eepal sa buhay ko kahit na may dumagdag pang isa.

Okay na yun.Kesa sa tatlo diba?BTW,andito nga pala kami sa bahay nina Ate Jenna.Nandito na rin ang mga parents nina Maurene,Allysa,France at Louie.

Ahay!Inaantok pa ko.Ang aga ko ba naman ginising nina Mommy.Nanananginip pa ko ng bigla na lang magnganga-ngawa si Mommy sa labas ng kwarto ko.Sino ba namang di magigising pag ganun diba?

Kailangan pang pumasok mamaya.Hay!Tungunu talaga!Kung pwede lang wag ng pumasok eh.Alas-tres na ng madaling araw mga pare tapos mamaya papasok pa?Ay Jusko!Malamang tulog ako pag nagklase.Kase nga diba inaantok?Tapos sisitahin ako ni Prof.Tapos babarahin ko sya tapos iipapadala nya na naman ako sa guidance.Hay!Fishtea!!

Napatigil ang pagmamaktol ko dito ng bumukas ang pintuan,alangang sumarado eh nakasarado naman.At sunod-sunod na pumasok yung anim na lalaking to.Pati sina Allysa napatigil din.

Bangasan ko mukha nyang mga yan eh.Kala gwapo.Pero gwapo nga talaga.

-------------------------------

Zeke's POV
Andito na kami sa bahay ni Tita Agatha,mommy ni Jenna.Bat ko sya kilala?Kasi friend din ng parents ko ang mga parents nitong anim na to.Kaya kilala ko sya.Ewan ko kung kilala nila kami.

"Oh andito na pala kayo.Nag breakfast na ba kayo mga hijo?"tanong ni Tita Mauie samin.

"Ay tapos na po Tita."sagot namin.

"Okay.Bago kami umalis.Let me just remind you boys about your task.Bantayan nyo sila ha?At kayong anim!Pag kami nakatanggap ng any news ng kabulastugan nyo na naman.Lagot na talaga kayo.Arasseo?"sabi ni Tita Mauie.Iba yung tono nya nung para samin ah.Tas nung dumating dun sa anim parang nag-transform sya into a wild dragon.Grabe!Ganun ba talaga ka worst tong mga to?

"Yes Ma'am!"sagot namin.

Nakita ko namang napa-irap lang yung anim.I think ang una naming ta-trabahuin ay ang mga ugali nitong mga to.Grabe!

"Okay!Malapit na ang flight natin mga friendsu ko!!Tara na't umalis.Boys!Kayo ng bahala sa kanila okay?Wag nyo na kaming ihatid!Mag-prepare na lang kayo for school.Just make sure na araw-araw kayong papasok ha? At..........."At ayun!Naglitanya pa si Tita Paris,mommy ni France ng libu-libo nyang mga bilin.Tinamad na ata mag-type si author kaya hanggang dyan nalang.

--------------------------

Third Person's POV
Matapos ang ilang minutong bilinan at plastikan ng mag-iina't mag-aama.Handa na ngayong umalis ang mga aalis.

Kasalukuyan ngayong nakatayo ang lahat sa labas ng malaking bahay nina Jenna.Inaantay na lang ang sasakyan at aalis na ang mga parents nila.

*beep!*beep!*

Matapos marinig ang busina ng sasakyang gagamitin papuntang airport ay nagsimula ng sumakay ang mga aalis.Nagsimula na ring buhatin ng ating magigiting na mga Bodyguards ang mabibigat na mga maleta.

Samantala,sa isang tabi ay prente lang na nakatayo ang anim nating bida na halata mo ang excitement sa mga mukha.

"Okay!Ba-bye Girls!Pakabait kayo dyan ah?Wag masyadong magpasaway sa mga Boys!!Mwah!"pahabol na sigaw ni Mrs.Mendez bago umandar ang sasakyan at umalis na.

Habang tumatagal ay palayo ng palayo ang imahe ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan ng mawala.Sa harap ng bahay ay nakahilerang nakatayo ang dalawang grupo habang pinapanood lumayo ang sasakyan.

"Woooohhhh!!YES!!Sa wakas naka-alis na rin sila!Nyahahahaha!!"parang mga tangang sisigaw-sigaw yung anim na mga babae sa gitna ng madaling-araw.

"Tsss.....Kayong anim tama na ang pagpa-party dyan.Magsi-ligo na kayo at maghanda na para sa school.May pasok pa."pagi-interrupt ni Bodyguard Zeke sa ating mga bidang nagpa-party pa.

"Tss....Epal nito.Sapakin kita dyan eh."inis na bulong ni Allysa sabay pasok na sa loob.

Sumunod na din naman papasok ang lima pa habang bubulong-bulong pa ng kung ano-ano.

---------------------------

Jenna's POV
Naka-alis na sa wakas sina mommy.At ngayon ang po-problemahin ko na lang ay ang bago kong sakit sa ulo.

"Ate Jenna!Makiki-ligo kami ha!!"sigaw ni France.Tsk...Kahit kailan talaga ang ingay-ingay nitong batang to.Pero nice move naman dito kay France.Kasi nakita kong napatakip ng tenga yung mga "bodyguards"kuno.Mwahahaha!!!Masanay na kayo kay France.Basag mga eardrums nyo dyan pag yan kasama nyo.

"Sino bang may sabing hindi ka maliligo dito?Alangan namang bumalik ka pa sa bahay nyong pagkalayo-layo para lang maligo diba?Tss....Isip France."pambabara na naman ni Lorraine.Ay Jusko!Utang na loob!Ki aga-aga magge-gerahan na naman tong dalawang to sa bahay ko.

"Eh ikaw ba kinaka-usap ko ha?Di naman diba?"pambabara din ni France kay Lorraine sabay irap pa.Ayan!Away na to!

"Hinde.Nagsasabi lang ako.At tsaka nagpapa-alala sayo na minsan pwedeng gamitin ang common sense ng tao France."balik naman ni Lorraine.Ganyan talaga yan si Lorraine,matindi magsalita.Atsaka hindi na bago yang sigawan nila samin.Sanay na kami dyan.

"Teka!Teka lang!Pwede ba kayong dalawa tumigil na kayo sa pag-aaway!Bat di nalang kayo mag-ayos ng mga sarili nyo para hindi tayo pare-parehong ma-late diba?"sigaw na naman nitong si Zeke.Epal talaga tong isang to kahit kailan.

"Ayoko!"sabay na sigaw nina France at Lorraine sa kanya.Kaya nagkatinginan silang dalawa.Ayan sabi sayo eh.

"No.Umayos na kayo.6:30 na.Ilang minutes nalang magsisimula na klase sa school."matigas na sabi nya.

"Eh sabi ngang ayaw ko pumasok eh.Kulit mo no?!"iritang sabi ni Lorraine sabay salampak sa sofa at nagtakip ng unan sa mukha.Inaantok pa yan.

Napakawala naman ng isang buntong hininga si Zeke.Haha!!Sige lang Lorraine.Asarin mo pa.Saka na yung plan natin.Nyahahaha!!

"Isa.Pag hindi pa kayo kumilos dyan.Tatawag ako kina Tita.Isusumbong ko kayo.Sige."pagbabanta nya.

"What??!!No way!!"sabay-sabay na sigaw namin.

"Talagang isusumbong namin kayo kung hindi pa kayo kikilos dyan.Kaya kumilos na kayo kung ayaw nyo masumbong."dagdag nya pa.

Bwiset na yan!!
Boys: 1 point
Girls: 0 point

-------------------------------

Peste!Classmate pa pala namin tong mga kumag nato.Hay!Talaga naman.Di kami na-inform about this ah.

Bago na rin pati ang seating arrangement namin.Di pa rin naman kami magkakahiwalay na anim pero may one seat apart at ang mga naka-upo dun tong mga lalaking to.

Ganto yun......
Ako-Zeke-Louie-Vincent-Allysa-Justin

Tapos sa harap namin sina
Lorraine-Seth-France-Kevin-Maurene-Bricks.

Nice diba?Kami pa pinagtabi-tabi?Parang mga tanga.Kala nakakatuwa.Makatingin naman ng masama tong mga babaeng to.Kala mo ki-gaganda.Dukutin ko mata nyo dyan eh.Inggit lang kayo.Hindi kasi kayo nilalapitan ng pogi.Che!Papanget nyo!

Hay bwisit!Andami ko ng sinabi!Wala naman akong maka-usap.Imbis na makipag-chikahan ako sa mga bebs ko diko magawa.May malaking harang kasi eh no.Malaki talaga.Sarap gibain.

Antayin nyo lang.Gaganti kami sa inyo.Mga epal kayo ah.Mamaya maghihiwalay naman tayo eh.May klase kase kami na separate ang boys sa girls kaya makaka-usap ko sina Louie tungkol dun sa plan namin.At the same time makaganti muna dun sa mga asungot na yun.

Kailangan muna naming maging mabait para masunod ang plano.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now