Chapter 50: Tutor

1.7K 59 1
                                    

Jenna's POV
Halos isang linggo na ng magsimula ang Shifting nayan.

At ganun pa din ang schedule namin araw-araw. Tanghali papasok at gabi uuwi.

Well, okay na din yun. At least hindi na'ko magkukumahog magising ng maaga.

Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na'kong nakasagupa ng mga gangsters wannabe dyan sa kanto. I know they're one of Andrea's pets. Mga tagasunod ng Black Blood.

I've also talked to the girls about this. At sinabihan ko silang mag-ingat. Marami ng mga siraulo at adik sa daan tuwing gabi.

"Mamaya antayin mo'ko. Sabay tayong uuwi. Ihahatid kita okay?"sabi ni Zeke.

Tinanguhan ko lang siya. Sabay kami ngayong naglakad papuntang room.

Ilang beses ko na ding sinubukang magdala ng sarili kong kotse o motor tuwing papasok. Kaso ganun at ganun pa din ang nangyayari.

Sakanya pa din ako sasabay pauwi at papasok.

Ang kulit kasi! Sinabing ako na nga magda-drive ayaw pang pumayag. Akala niya di ako marunong.

Paano nalang kung siya ang harangin ng mga yun sa daan?

Tapos mabalitaan ko nalang kinabukasan nasa ospital na siya bugbog sarado.

Gusto ko mang isigaw sa pagmumukha niya ang mga posibleng mangyari kapag umuwi siyang mag-isa sa gabi. Lalo na sa sitwasyon ngayon. Hindi ko magawa.

Kasi paano ko ipapaliwanag lahat?

Hindi ko naman minamaliit ang pagiging lalaki niya. Alam ko namang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kahit papano. Pero hindi niya kaya ang sampu, labinlima o benteng kalalakihan na bubugbog sakanya.

Ayokong mangyari yun.....

Kakaisip ko, hindi ko napansing nakarating na pala kami sa room. Akala ko nandyan na si Sir kasi  nasa loob na sila lahat. Maaga lang pala natapos magklase ang Grade 7.

Hooooo~ Buti nalang hindi kami late. Ayaw kong tumayo sa harapan at kilatisin na naman ng matanda naming teacher kung bakit kami late ngayon.

Nilingon ko si Zeke. At ayun ang tropa niyo. Busy sa pakikipag-usap sa mga batang Grade 7 na nakatambay sa labas ng room namin. Pinapaki-usapan niyang wag mag-ingay.

Hinayaan ko na siya dun at binuksan na ang pinto. Bakit nga pala nakasarado to? Eh tanghaling tapat?

Pagkabukas ko, sakto ding paglitaw ng isang lumilipad na pulang bagay.

Naging mabilis ang kilos ko kaya naiwasan ko yun agad. Kaso hindi ni Zeke. Dire-diretso yung tumama sa mukha niya.

"Aray~"daing niya.

Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya. Sakto kasing tumama yun sa ilong niya. Tapos may papikit-pikit effect pa siya.
Damang-dama?

Dinampot ko yung bagay na yun. Di'ko maipaliwanag ng maayos yung itsura nito. Pero alam ko yung tawag dito eh.

Ram.............. RAMBUTAN! Yun! Oo! Yung parang may buhok.

Tinignan ko sila lahat. "Who throw this?"tanong ko.

Walang sumagot pero sabay-sabay nilang nilingon sina France at Kevin na nilalantakan na yung isang plastik ng rambutan. Sinamahan pa ni Lorraine.

"Galing yan sa kanilang dalawa. Natuwa ata sa itsura kaya pinakyaw yung tinda sa cafeteria."sabi ni Maurene at pumasok na din.

Binitawan ko na yung balat ng rambutan at dumiretso na sa upuan ko. Saktong pag-upo ko ay ang pagpasok ni Sir Vergara.

Naku! Math na naman! Math na naman!

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now