Chapter 58: Bagong Kalaban

1.4K 46 2
                                    

Jenna's POV
Kanina pa'ko tahimik at paulit-ulit na binabasa ang mga nakalagay sa hawak kong folder.

So meron pala kaming kalaban na pagala-gala lang at wala manlang kaming kamalay-malay doon? Ang galing grabe!

"Ano ng plano mo dyan?" sabi ni Hana at nginuso ang hawak kong folder. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa kawalan.

"Sasabihin ko sakanila." sagot ko.

"Ganun? Eh pano si Maurene? Diba naging ex niya yang Harley nayan? Pano kung nagkataon at hindi niya magagawang labanan siya. Alam mo na..............." tanong niya. Actually naisip ko na yan. Bahala na kung anong mangyayari. Kahit saan tignan, kalaban pa rin si Harley. Hindi na magbabago yun.

"Wala akong magagawa. Kilala ko si Maurene. Alam kong alam niya ang dapat gawin." sagot ko at binitawan ang folder na hawak ko.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at idinayal ang number ni Allysa. Pangalan niya ang una kong nakita kaya siya na ang tinawagan ko.

[ "Hello Allysa." ]tawag ko sakanya.

["Oh bakit? Ano kailangan mo?" ] tanong niya saka humikab pa. Kakagising lang ata ng gagang to.

[ "Pumunta kayong HQ. Ngayon na. Tawagan mo ang iba." ]tuloy-tuloy na sabi ko.

[ "Ano? Pakiulit nga. Di'ko narinig eh." ] sabi niya. Tongono naman! Ang linaw ng pagkakasabi ko eh!

[ "Sabi ko, pumunta kayong HQ! Ngayon na! Tawagan mo ang iba!" ] ulit ko. Mukhang nakuha niya naman kasi di na siya nagsalita pa at pinatay na ang tawag. Okay. Pinatayan ako.

Bumalik ako sa pagkaka-upo sa couch at tahimik na nag-isip. Malaking revelation na'tong nalaman ko ngayon. Atleast naging aware na'ko na may isa pa pala kaming kalaban na nasa tabi-tabi lang.

So ang Harley nayun ay isang Black Blood member? Akalain mo nga naman. Sabi na nga ba. May iba talaga akong nafi-feel sa taong yun. Maybe he's a spy. Itinitimbre niya kina Andrea ang bawat kilos namin. Kaya dapat ko siyang mabantayan.

"Siguro nga magandang ideya yung sabihin mo yan sakanila. Mahirap lumaban ng nag-iisa." sabi ni Hana. Saglit ko naman siyang tinignan at bumalik sa pagmumuni.

"Hindi ako natatakot sakanya at sa kung anong kayang gawin niya. Pero tama nga sigurong pinili kong ipaalam sakanila to." sabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsidating na din sila. Nandito kami ngayon sa office ko. Dito ko sila ipinatawag para mas mapag-usapan namin ng maayos ang dapat kong sabihin.

"Bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Louie saka umupo na parang prinsesa sa isang single sofa.

"May sasabihin lang akong importante." seryoso kong sabi. Nagsiayos naman sila ng upo at tahimik na nakinig sakin. Alam kong ramdam nila na seryoso ang pag-uusapan namin ngayon.

"Ano naman yun?" takang tanong  ni Allysa.

Seryoso ko silang tinignan at nagsimulang magsalita.

"May nalaman akong importanteng balita ngayon-ngayon lang." panimula ko. Tahimik pa rin silang nakatunganga sakin.

"May isang kalaban na------------"

*BLAG!*

Di'ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Lahat kami pare-parehong napalingon sa pumasok.

"Ay sorry. Nalate ako. Hehe.......... Ano pinag-uusapan niyo mga eonnie?" tatawa-tawang sabi ni France. Wala pala to kanina. Di'ko napansin. Kaya pala hindi masyadong magulo.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now