Chapter 55: Grocery Store

1.7K 50 17
                                    

Jenna's POV
Panibagong araw na naman ang dumating. At panibagong araw na naman na makakasama ko ang mga kaibigan kong loka at mga Kumag na'to.

Nasa cafeteria kami ngayon. Hindi pa naman nagsisimula yung kanya-kanya naming exam kaya naisipan naming dito muna tumambay. Sa may pagkain.

"Half day lang din ngayon diba?" tanong bigla ni Justin.

"Oo." sabay-sabay nilang sagot.

Oo nga pala. Ano kayang pagkaka-abalahan ko na naman ngayon? Andami kong naiisip gawin. Kaso pag naiisip ko na laging may nakasunod sakin napapangiwi nalang ako. Hindi ko naman pwedeng isama si Zeke sa mga lakad ko.

Maraming pwedeng mangyari pag nasali pa siya sa gulo. Kasama ako.

Tiningnan ko sila. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Si Louie at Vincent may pinapanood sa phone habang naka-heatset. Napapasayaw pa minsan. Sina Allysa at Justin naman kumakain. Kaya nananaba eh. Sina Lorraine at Seth parehong naka-heatset habang magkatabi. Busy pareho sa cellphone.

Sina Maurene at Bricks naman parehong tahimik. May hawak na tig-isang libro. At syempre sina France at Kevin nangungulit. Ano pa bang bago dun?

"Ate Rene! May nakita akong Wizard's Tale na libro dun sa mall!" sabi ni France at kinalabit si Maurene na nananahimik.

Parehong napalingon sakanya yung dalawa pero bumalik din agad sa ginagawa.

"Dapat binili mo na." sabi lang ni Maurene.

"Wala akong pera eh." sabi ni France at napakamot ng batok.

"Haha!! Wawa ka naman!" asar nitong si Kevin kaya napasimangot naman ang isa. At ayun. Nag-talo na naman silang dalawa.

Hayyy.......... Araw-araw ganito ang eksena pag magkakasama kami. Laging nagtatawanan, masaya sila kahit na ang iba walang pakialam pero nakikigulo din.

I hope lagi nalang ganito. Ayokong mangyari yung iniisip ko kapag sakaling malaman nila kung ano kami.

Marami ng mga nangyari na kasama namin sila. Baka kapag nalaman nila na Gangsters kami. Mag-iba ang tingin nila samin at layuan kami. Ayoko nun.

Unti-unti na'kong nasasanay na kasama sila. Kahit na nakakabwisit sila minsan. Hindi ata buo ang araw ko kapag wala akong nakikitang nag-aasaran, nagkukulitan at nagsusungitan.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ang drama ko naman. Umagang-umaga. Ano bang nakain ko?

Umayos ako ng upo at sinilip ang relo ko. Maya-maya lang mag-aanounce na pumasok na sa kani-kanilang rooms para makapagsimula na ng exam.

Exam na naman.

Di'ko nga alam kung pano ako natapos sa pagsasagot kahapon nung test paper ko.

Lutang kasi ang utak ko at wala akong maintindihan sa mga tanong doon. Halo-halo ang topic. Buti sana kung makakain ko yon.

Pati pala sa test may halo-halo?

Ginagamitan ko nalang ng matinding common sense para malagpasan ko ang bawat number. Andaming trabahong pagpipilian. Sa sobrang dami kong sinagutan sumasakit na ulo ko ngayon palang.

Ngayon ko lang na-realize. Mahirap pala mag-trabaho. Andaming complications. Yeah complications.

Kung tutuusin. Kampante na dapat ako sa future work ko. Di magtatagal, ako na ang magpapatakbo sa kompanya namin. Alam ko sila din wala ng problema sa mga future nila. Pero wala naman atang madaling trabaho eh. Lahat sakit sa ulo at madaming problemang kakaharapin.

Eh kung mag-bakal-bote nalang kaya ako?

Mukhang mas madali ata yun eh.

"Guys. San tayo pupunta mamaya?" biglang tanong ni France habang nakapangalumbaba pa. Puro talaga galaan nasa isip ng batang to.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now