Chapter 69: Dinner

1.6K 77 36
                                    

Jenna's POV

"Weeehh!? Sabihin mo na totoo ate Jenna! Boypren mo si kuya Zeke no!?" at sa isa pang pagkakataon, tinanong na naman sakin ni Zoey yan.

Ang kulit nitong batang to.

Umakyat muna saglit yung Kumag sa kwarto niya daw. At naiwan dito sa tabi ko'tong batang makulit na'to. Kanina pa din niya 'ko kinukulit at paulit-ulit tinatanong ng ganyan.

Sa totoo lang naririndi na nga ako sa kakapaulit-ulit niya eh. Parang si Yohan kung mangulit. Hindi titigil hangga't hindi nakakakuha ng sagot sa tanong niya. Maisip ko palang pag nagkita yung dalawang yon. Jusko! Handa akong pasabugin ang bahay ko.

"Hindi nga sabe............kaibigan ko lang ang kuya mo okay? Nothing more, nothing less." nakangiting paliwanag ko ulit saka pinisil ang pisnge niya.

Naku! Kung hindi lang talaga cute tong batang to eh!

Sino ba namang magagalit pag nakaharap mo na tong batang to? Ang puti-puti niya, medyo chubby, ang cute at taba ng pisnge tapos naka full bangs pa siya na lalong nagpadagdag ng cuteness niya.

Yung tipo ng batang gustong-gusto mo ng batukan pero di mo magawa. Hay~

"Lah?! Eh bakit kayo magkamuka ng sumblelo na kulay pink? Tsaka parehas kayong gwapo saka maganda. Kaya bakit naman hindi?" bulol na tanong niya.

Juscolored!

"Eh kasi nga----------" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumating si Zeke.

Salamat naman at dumating na'to.

Kanina pa'ko kinukulit nitong kapatid niya.

"So anong mga pinag-usapan niyo?" tanong ni Zeke at lumapit samin.

"Kuya sabihin mo na ang totoo. Gelpren mo talaga si ate Jenna no?" tanong ni Zoey.

Kulit talaga!

Nagkatinginan naman kami ni Zeke. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng 'what-to-do-look'. Please patigilin mo na yang cute mong kapatid. Kukurutin ko yan!

"Ah....... Zoey? Can you please stop asking about that? Me and ate Jenna are not lovers. Okay?" mahinahong paliwanag ni Zeke sakanya.

"Weh? Ayaw naman sabihin eh..........
secret lang naman natin. Pramis!" ulit pa ulit ni Zoey. Hanep naman talaga sa pagka-makulit tong batang to!

Ilang beses kaya inire to ng nanay nila? Push na push niya talaga na maging kame eh no?

"Hindi nga eh. Punta ka nalang dun kina mommy sa kusina. Kain ka nung binake niya. Dali! Masarap yun!!" pang-uuto niya sa bata. Patalon-talon namang pumunta si Zoey sa kusina.

"Ang kulit niya pala no?" nakangiting tanong ko kay Zeke habang nakatingin pa din dun sa pintong pinasukan ni Zoey.

"Yeah. Sinabi mo pa. Ewan ko nga ba kung saan nagmana ng kakulitan yan." iiling-iling na sagot niya.

Napangiti lang ako. Para din siyang si Yohan. Makulit at nakakainis pero di mo magawang batukan.

"Nga pala. Mom cooked for dinner. Dito ka na mag-dinner mamaya." sabi niya.

Napatigil ako. "Ha? W-wag na siguro. Nakakahiya naman." tanggi ko. Eh syempre no! Masyado naman na yon. Hinila nga lang ako dito nitong Kumag na'to para ipakilala sa kapatid niyang makulit. At hindi makikain.

"Tss............pakipot pa'to. Pumayag kana. Sabi din naman ni Mommy yon." pilit niya.

Gagu! Pakipot pa daw ako!?

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now