Chapter 59: Located

1.5K 56 9
                                    

Eto na POV mo! Haha!! Peace tayo @eniarrol_19






Lorraine's POV

"Ano? Nahanap mo na ba?" tanong ko kay Seth na nakatutok sa hawak niyang libro.

Nasa room kami ngayon at wala ang teacher namin. May iniwan lang siyang seatwork na pagkadami-dami para sagutan. Tsk! Okay sana yung wala siya pero nag-iwan naman ng gagawin.

"Hindi pa. Eh kung tumulong ka na din kaya para madali tayo diba?" sabi niya saka pinatong yung libro sa armchair ko.

May binigay kasi si Ma'am na mga words or terms na hahanapin ang meaning sa libro. Mga singkwenta ata yung pinalista niya kanina. Kaya eto kami, kulang nalang gumamit ng magnifying glass para makakita ng isa.

Puta kasi tong mga terms-terms na'to eh! Gusto pang nagpapahanap. Ba't kasi hindi nalang siya ang mag-isang pumunta sa papel ko.

"Ayoko nga! Diba naghati na tayo? Tig-25 tayo diba? Madaya yun kung tutulungan kita sa hahanapin mo." sagot ko naman saka binalik sakanya yung libro.. Hinati kasi namin yung mga terms. Tig-25 kami para madaling matapos. Tapos yung tirang 25 kokopyahin ko nalang sakanya. Ganun din siya.

Hehe............ Pero ang totoo niyan, tapos na'ko sa mga hahanapin ko. Lam mo kung san ko nakuha mga sagot ko? Kay Jenna lang naman. May pagka-engot din kasi tong babaeng to eh. Bukas na bukas yung notebook niya kaya kitang-kita ko din yung mga sagot niya.

Matang-Agila!

"Ayan! Tapos ko na! Kopyahin mo na. Mamaya ako naman kokopya ah." tuwang sabi ni Seth at binigay sakin yung notebook niya.

Nakangiti ko namang kinuha yun at kinopya yung mga sagot niya. Yes! Matatapos na din ako.

"Hoy! Anong kopyahan yang naririnig ko ha?" sita ni Zeke saka nilingon kaming nandito.

Taka naman siyang tinignan nitong mga katabi ko. Patay malisya naman ako at taka rin siyang tinignan.

"Kopyahan? Oy sino nagsabi dyan ng kopyahan ah?" sabi ko habang pasimpleng tinatakpan yung notebook ni Seth na nasa lamesa ko. Kanya-kanya naman ng iling sina France at Kevin tapos bumalik sa ginagawa. Sina Maurene at Bricks tahimik lang na nakatingin samin habang umiiling din.

"Oh wala daw. Baka guni-guni mo lang yun Zeke. Di kami nagkokopyahan dito. Diba? Diba?" sabi ko saka ngumiti ng malaki. Halatang plastik ang walah.........

Umayos naman siya ng upo at bumalik sa ginagawa niyang pagsasagot. Alam kong hindi pa yan nakukuntento kaya kailangan naming mag-ingat ng matindi para hindi mahuli. Haha!! Mahirap ng mahuli.

"Ikaw kasi! Ang ingay ng bunganga mo. Narinig tuloy tayo." sabi ko at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Seth. Bahagya naman siyang napa-iktad dahil sa kurot ko.

"Aray naman." reklamo niya saka hinimas-himas yung kinurot ko.

Inirapan ko naman siya at binalik sakanya yung notebook niya kasama yung notebook ko.

"Oh ayan. Ikaw na. Dalian mo. Baka mahuli ka. Nako! Bahala ka dyan." sabi ko at tumayo.

Matalino siya pero nahirapan din siyang gawin tong seatwork na'to kaya nagkasundo kaming dalawa na maghati ng hahanapin. Mabuti nga napapayag ko siya eh. Kung hindi nangangamote pa kami pareho ngayon.

"Teka san ka pupunta?" tanong niya.

Bored ko naman siyang tinignan at kinuha ang wallet ko sa bag.

"Sa lugar kung saan maraming pagkain." sagot ko at naglakad papunta sa pintuan. Nakakagutom pala ang pangongopya no? Sa susunod maghahanda na'ko ng maraming pagkain pag may kopyahan. Haha!! Mabait akong bata eh. Wag niyo nalang akong tularan.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now