Chapter 97: Hell Class

176 7 0
                                    

Jenna's POV

"Bilisan mo na kasi!"

"Sandali! Mag-antay ka!"

Tinignan niya lang ako ng masama bago lumakad palabas.

May topak na naman ang Zeke Kumag.

Ang aga niya pumunta dito para sunduin ako. Buti nalang at tulog pa si Yohan kaya walang magulo.

Tinapos kona yung pagsusuot ko ng sapatos. Sinipat ko pa yung sarili ko sa full-body mirror. Maayos naman at hindi gusot ang blouse ko. Malinis din ang 2-inch above the knee naming skirt at nasa ayos ang neck tie ko. Pantay din at magkapares naman ang long sock ko.

Pwede nayan.

Agad akong lumabas at nagtatakbo palabas matapos kong ibilin si Yohan sa mga maid.

Teka bakit bako nagiging aligaga kapag si Zeke ang kasama?

Hindi ko naman ginagawa 'to dati. Bwisit.

"Nice. Hop in." utos niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Ang awkward ng atmosphere at tanging paghinga lang namin ang naririnig ko.

"Nga pala, walang teachers ngayon kasi nasa meeting sila para sa Festival."

Agad na napataas ang isang kilay ko nang magsalita siya.

Kung ganon bakit niya pako sinundo ng ganito ka-aga?

"Eh bat pa tayo pumasok? Wala naman palang klase?" inis kong tanong.

Kasi naman. Inaligaga pakong mag-ayos ng ganito ka-aga tas wala naman palang gagawin.

"Wala ngang teachers but that doesn't mean na wala nang pasok. Isa pa, may meeting din ang section natin para sa Festival." simpleng sagot niya.

Ganun?

Hindi nalang ako sumagot at naka-crossed arms na nanahimik sa upuan ko.

Kainis. Nabitin tulog ko.

Sa kasamaang palad, traffic pa. Buti nalang at hindi kami nagmamadali at walang hinahabol na klase. Kaya chill lang 'tong isa.

Kung nagkataon na may klase kami ngayon, baka nagwala na' to sa sobrang inip.

Ako kahit may klase o wala di naman ako nagmamadali.

Mga ilang kanto nalang malapit na kami sa school nang mapansin kong parang may sumusunod samin.

Pasimple akong lumingon sa likod at tama nga ako!

May ilang lalaking nakamotor ang nakasunod.

"Ihinto mo yung kotse."

"Ha?"

"Ihinto mo." ulit na utos ko.

Kahit nalilito, inihinto niya pa rin. Nilingon ko ulit yung mga nasa likod. Tumigil din sila. Ngayon ko nakumpirma na sumusunod nga sila samin.

"Ano yun?"

"May sumusunod satin." sagot ko habang nakatingin sa likod. Nakitingin din siya at napatango nang maintindihan ang sinasabi ko.

"A-anong gagawin natin?"

"Wala. Magdrive kana ulit. Malapit naman na tayo." seryosong sagot ko.

Mabilis niyang ginawa ang utos ko at nagdrive paalis. Ipinark niya ang kotse niya sa parking lot at sabay kaming bumaba.

"Jenna........sino ba yung mga sumusunod satin kanina?"

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Where stories live. Discover now