Chapter 89: Harley's Revelations 4

176 10 0
                                    

-continuation of flashback-

Harley's POV

"Hindi ka na talaga nagtanda Andrew." mayabang na sabi ni Jenna saka ngumisi.

Napatawa naman yung lalaking nangunguna sa grupo nina Kuya. Pakiramdam ko yun yung Andrew. Siya yung 'boss' at Mr. Enrile na sinasabi ni Kuya.

"Pakialam mo." nakangising sagot naman nung Andrew na ikinakuyom ng kamao ni Jenna. Kahit kalmado ang mukha niya, halata mong nagpipigil siya ng galit.

Ngumisi muli si Jenna at isinawalang bahala yung inis niya.

"At talagang nag-recruit ka pa ng mga bagong aso ha. Nice dogs." mapang-asar na sabi nito at tinanaw ang mga lalaking kaharap niya.

Mula dito, kita ko ang pagka-alarma nila at ramdam kona ang mabigat na tensyon sa pagitan nila. Habang patagal ng patagal ang panonood ko sakanila, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Kinakabahan ako.

Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

"And you, Harvey. Hindi ko alam na nabuhay ka pa pala." malamig at seryosong sabi ni Jenna habang nakatingin kay Kuya.

Napatawa naman si Kuya na paranv wala lang sakanya lahat ng nangyari sakanya nung binugbog siya ng babaeng yan.

"Alive and Kicking! HAHAHAHA!" sabi niya habang humahalakhak ng malakas.

"Tama na kuda. Simulan na natin 'to." bored na sabi ni Allysa dahilan para mabasag ang  katahimikan at agad natumba ang isang lalaking nakatayo sa harap niya.

Sa bilis ng pangyayari ni hindi ko napansin na nakalapit na pala siya doon sa lalaking halos katabi lang ni Kuya at isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan niya dito. Napaluhod yung lalaki at halos maisuka niya na lahat ng kinain niya.

Dahil sa ginawa niya, nagkagulo ang lahat at nagkanya-kanya na ng sugod sa isa't isa.

Nagsusuntukan na sila!

Hindi ko na maintindihan kung kanino ako lilingon. Nagkahalu-halo na silang lahat at nagkakasuntukan na. Hindi ko mapigilang mamangha sa tanging anim na babaeng kasali sa away na'to. Kung tutuusin babae lang sila. Mahina.

Pero kabaliktaran ata yun ng iniisip ko tungkol sakanila. Ngayon ko napatunayan na hindi lang sila simpleng mga babaeng sisiga-siga sa school.

Napalingon ako ng may isang lalaking sumigaw. Kita ko ang paglapit ni Allysa dito at ang muling paghampas niya ng baseball bat. Bumulagta ang lalaki at sinundan pa niya yun ng suntok sa sikmura.

Nanlilisik ang mga mata niya at galit na galit. Palagi ko siyang nakikitang nasa sulok lang at nakadukdok kapag hinahatid ko si Maurene sa room nila. Hindi ko inaasahan na pwedeng maging ganito sila katindi kapag nakikipaglaban.

Nilingon ko naman yung batang France na nakikipagmatigasan sa dalawang lalaking kaharap niya. Kahit siya ang pinakabata sakanila hindi ko rin maiwasan mamangha sa galing niya. Sinuntok niya sa panga yung unang lalaking akmang susugod sakanya. Kasunod naman non ang tadyak na natanggap ng isa pang lalaki. Nakangisi siyang tumakbo paalis at tinadyakan ang lalaking nakakasalubong niya.

A-ang tindi niya.

Kung makipag-away sila mas matindi pa sa lalaki.

"AAAARRGGHH!"

Muli akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Si boss---este si Andrew. Nakabulagta siya at hawak-hawak ang ilong niyang dumudugo. Nasa harap niya si----si Maurene.

Bad Girls Vs. Good Boys [ ON GOING ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum