Chapter 98

913K 37.3K 18.6K
                                    

Percy

Jay-jay's POV

Ang daming picture pero iisang muka lang ang nakikita ko. Muka ni Percy.

"Pasensya kana ah? Tinago ko na kasi lahat ng picture nya." Sabi ng Mama ni Felix.

"Okay lang po..."

"Ma.. Ako nalang dito. Magpahinga na po kayo." Sabi ni Felix sa Mama nya.

Ngumiti naman ito at nag-nod. Naglakad na sya paalis.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Felix. Gusto kasi nilang malaman kung iisang Percy nga lang ba yung tinutukoy namin.

Pagdating dito, nilabas lahat ng Mama ni Felix yung mga Picture nila. Bigla tuloy akong nahiya.

Sabi ni Felix, buha't daw ng mamatay si Percy hindi na daw naging maganda yung pagsasama ng mga magulang nila. Nauwi lang daw sa hiwalayan.

Naghirap sila Felix kaya sobrang halaga sa kanya kung makakakuha sya ng scholarship para sa college. Mababawasan daw yun problema ng Nanay nya.

Meron akong nakitang batang babae sa may pintuan nila. Nakasilip sya at nakatingin samin. Kulay Blue din ang mata nya.

"Felix, sino yun?" Tanung ko.

Nilingon nya yung tinuro ko. "Ah, si Dalia... Kapatid namin ni Percy."

Mukang namana nya yung mata ni Percy.

"Eto yung Tatay ni Percy." Sabi nya sabay baba ng picture sa harap ko.

Foreigner yung Tatay nya. Hindi din ito yung Tatay ko. Ibig sabihin, hindi sya yung Kuya ko. Pero bakit Mariano yung gamit nya at alam nya yung tungkol sa Kuya ko.

"...Eto yung huling picture nya bago mangyari yung aksidente." Dagdag ni Felix at binaba ulit yung picture.

Malaki yung pinagkaiba sa kasalukuyang itsura ni Percy. Medyo payat sya sa pinapakitang picture ni Felix.

"Sya yung Percy'ng nakaharap ko." Sabi ko.

"So, buhay nga sya." Sabi ni Keifer habang naka-upo sa tabi ko.

Parang naiinis sya sa sinabi ko. Hindi ko sya masisisi. Magkakaibigan sila tapos hindi pinaalam sa kanila na buhay sya.

"I just don't understand... Bakit Mariano ang apilyidong pinakilala nya sayo. Collins ang apilyido nya." Sabi ni Yuri.

Umiling ako. Dahil kahit ako, hindi ko rin maintindihan. May narinig kaming busina ng sasakyan sa labas. Si Felix ang tumingin kung sino yun.

"Andyan na sila." Sabi nya at binuksan ng maluwag ang pinto.

Pumasok si Edrix at Rory. May dala silang laptop at binaba nila yun sa harap ko.

"Lahat ng video'ng makikita nyo, puro sya lang ang laman." Sabi ni Edrix.

Pinindot ni Keifer yung play. Sa fountain ang unang video na pinakita. May lalaking nakasumbrero at polo shirt ang palakad-lakad sa video.

"That's him." Sabi ni Edrix.

Pa-ikot-ikot sya dun sa fountain at mula sa view ng nakuha nila, makikitang tumatakbo ako palapit sa fountain.

Parang sasalubungin nya ko pero bigla syang naglakad palayo. Huminto sya sa tapat ng isang tindahan at kinalikot yung phone nya.

Yun siguro yung time na nagtext sya sakin.

Muli syang naglakad palayo at dumiretso sa isang bench at naupo. Malapit sa entrance ng Quantum Garden yung pwesto nya.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon