Chapter 2

22 4 0
                                    

Cris P.O.V

Since may 2 weeks kaming walang pasok para makapag enroll. Oh well hindi ko naman kelangan problemahin ang pang tuition ko dahil scholar nga ako.

May 2 weeks pako para maghanap ng trabaho at makabili ng TV.

Hays! This is frustrating. Damn! Saan ako hahanap ng trabaho ngayon? Grrr. Bwisit na bunganga. Walang preno!

Tanga mo cris! 1000 times!

Umalis ako ng bahay. Kahit ayaw akong paalisin ni tatay dahil ng DayOff ko daw kuno. At dapat lang na magpahinga ako sa araw na to. At dahil guilty ako heto ako ngayon. Naglalakad sa kasagsagan ng init. Jusko feeling ko masusunog ang anit ko nito. Baka magka cancer ako sa anit! Lols. Meron ba nun?

Saan ba ko pupunta? Ang totoo. Hindi ko din talaga alam. Ang nasa isip ko lang ay kung paano ba ko makakabili ng TV. Tanga! Dapat pala ay paano ako makakahanap ng trabaho para makakuha ng pera at makabili ng TV. Yan! Yan ang tamang flow ng iniisip ko.

At napapasabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Langya!

Napatingin ako sa suot kong relo. Wtf! Alas dos na? Kaya pala kumukulo na yung tyan ko. Jusko. Anong oras pa ko kumain. Yung sinangag na niluto ni antonio.

Kinakapa kapa ko yung bulsa ko. Napangiti ako ng may umbok akong makapa. Swerte!

Agad agad kong dinukot yung umbok na nasa bulsa ko. At halos maiyak ako sa nahugot ko. Tangina. Papel? As is literal na papel! At eto pa. Pamura pa ng isa. Langhiya may message sa papel. Napataas ang kilay ko at binasa kahit naiinis padin ako. Pota. Paasa!

"Pinaka Maganda kong anak. Yung promise mo ha? Nasabi sakin ni Tonyo na maganda na daw ang mangyayare sa susunod na linggo sa encantadia! Nakuu eksayted na talaga ang tatay mo! Ingat ka ha? Ilabyuuuu dyosa kong anak. Teyker Muah muah"

Hindi ko alam kung matatawa,maiinis o mas mamomroblema pa ko. Lintik na encantadia yan! Ano ba kasi yun? Parang hindi tuloy ako tao. Ni wala akong alam kung nakulong na ba si delima o nakalaya na ba sila bong revilla. Hays. May mga bagong artista na ba?

Mas lalo akong na frustrate. I need a job! Para sa TV. Operation buy a TV for tatay. Yun ang Goal ko this week. Kaya mo yan cris! Makapal ang muka mo kaya alam kong kakayanin mo yan. Ikaw pa? Eh ako ikaw! Haha

Naglakad ulit ako. Wala akong pera kaya wala akong choice kundi maglakad. Isinantabi ko din ang gutom ko.

Pumasok ako sa isang karinderya. Okey na siguro to. Pagsasabayin ko nalang pag nakuha ko tong trabaho na to. Hahanap pa ko ng isa pa.

Lumapit ako sa tindera na tingin ko ay pasasa sa pagkain. Layer layer ang bilbil nya pakshet.

"Anong iyo bata?" Napangiwi ako. Ako? Bata?

"Ahm.. Itatanong ko lang po sana kung tumatanggap kayo ng tagahugas ng plato, tagalinis o taga serve. Marunong po ako. Kelangan ko lang po ng trabaho. Please po" Binaba kona ang pride ko. Kelangan ko to. Hindi ko kelangan ng pride ngayon. Hindi nakakabili ng TV yun -____-

100 Days In a Fake Relationship<3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora