Chapter 10

10 3 3
                                    

Cris P.O.V

Maaga palang nasa school na ko. Bawal kasing ma-late lalo na pag first day. Baka ma detention ako mahirap na.

Tumambay muna ako sa bench at nagbasa ng libro na hiniram ko kay daniel. Nalaman ko kasing nangongolekta sya ng libro kaya nanghiram ako. Mabuti nga at mabilis syang nagpahiram.

Marami rami narin ang mga napadaan sa harap ko at binabati din ako. Kung hindi ngiti ay tango naman ang sinusukli ko sa kanila.

Nasa Magandang part na ko ng binabasa ko ng marinig kong magtawag ang dean na kelangan ng pumunta sa AVR para sa Announcement.

"Tss. Badtrip" inis na sabi ko bago tumayo at naglakad  patungo sa AVR.

Habang naglalakad ako heto nanaman ang mga hinayupak na bubuyog. Pinagbubulungan nanaman ako. Parang mga tanga bumulong eh rinig na rinig ko naman -_____-

"Ang angas talaga nya kahit anong ginagawa nya" May tono ng paghangang bulong nung lalaki sa katabi nya. Tsk. Anong maangas sa lakad ko?

"Nako. Mayabang lang yan! Tsaka Tomboy yan" Inis na bulong sa kanya pabalik nung lalaking kausap nya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Ako? Mayabang? Inis ko syang binalingan ng tingin na ikinagulat naman nya dahil nagkatinginan kami.

Kita kong namutla sya.

"Oh gago. Akala ko ba Mayabang lang ako? Bakit tingin ko palang namumutla kana?" Nakangising tanong ko sa kanya. Nakanganga sakin ang kaninang kausap nya na halatang humahanga.

Nakita ko ang paglunok nya ng sunod sunod. Langya! Wala pa nga kong ginagawa eh. OA neto tss.

"Whats with the Face brad? Relax, baka mahimatay kana pag nilapitan pa kita? Dont think too much. Hindi naman kita sasaktan" Natatawang sabi ko.

"A-ano. Hindi naman ikaw yung pinag uusapan namin Cris e." Utal utal na sagot nya tsaka lihim na siniko yung lalaking kanina lang ay kausap nya na hindi naman nakaligtas sa paningin ko. Magsisinungaling kapang loko ka.

Hindi sya pinansin nung lalaki dahil nakatutok lang ang paningin sakin.

Napangisi nalang ako. Nilibot ko ang paningin ko at ngayon ko lang napagtanto na madami ng nanonood samin. Hindi ko manlang napansin.Wtf! May palabas nanaman ako. Shitness.

Ikinagulat ko ang pagkahagip ko sa mga pamilyar na muka.

"The Kings" nasabi ko nalang sa sarili ko. Tsk. Lahat sila seryosong nakatingin samin. O sakin lang? I really dont know. Wala rin naman akong pake.

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking mas namumutla na ngayon dahil sa wala na syang kawala. Gusto ko sana syang bangasan ngayon kaso wala ako sa mood. Tsk.

"Really? Then who?" Simpleng tanong ko. Ang tahimik. Sobrang tahimik na parang pag may nag ingay ay maaaring madamay.

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now