Chapter 31: Skwater 😨

11 2 0
                                    

Cris P.O.V

Kahit alam kong magta time na ay hindi ako dumiretcho sa klase ko.

Kelangan ko ng tubig.

Pakiramdam ko kasi ay bigla nalang akong natuyuan ng lalamunan.

Whats with her? Bakit ganon nalang sya magsalita?

Pinilit ko mang ipagsa walang bahala lahat ng sinabi nya... pero hindi eh. Why do i feel na Death threat yun?

Huminga ako ng malalim atsaka pumasok sa canteen.

Nakuha ko nanaman ang pansin ng lahat. Lahat nanaman sakin nakatingin.

"Bakit kaya nahuli syang mag lunch? Hindi sila sabay ni king nicolo ngayon.."

"Baka nag away nanaman."

"look at her, parang wala sya sa sarili nya oh. Siguro nga nag away nanaman sila"

Wala na kong panahon para pansinin sila.

Dumiretcho ako at bumili ng bottled water. I really need water.

Ng sandaling maibigay sakin ang isang boteng tubig ay ininom ko agad yun hanggang sa maubos,

I dont care kung pinagtitunginan na ko.

"Eeew. Hindi ko talaga ma intindihan kung bakit minahal ni king nicolo yan eh, look at her. Parang lalake kumilos"

"Skwater to be exact"

"Walang ka Poise poise sa katawan."

"Baka ginayuma nya si king?"

"Baka nga"

Napa irap nalang ako sa kawalan sa mga naririnig ko.

Alam kong mga takot sila sakin. Pero minsan talaga hindi nila mapigilan ang bibig nilang pagchismisan ako.

Tumingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makitang Late na ko ng 5 minutes. Lagot!

Tumakbo na ko palabas ng canteen.

Wala akong pake sa mga ini isip nila,

Eh ano kung wala akong poise?

Kelangan ba nun para mabuhay?

Tss. Ang ba babaw nila.

Hingal akong nakarating sa pintuan ng room ko.

Good thing wala pa si Miss Tsong Go. Kulang pa ang sulat ko.

Pagpasok na pagpasok ko at dumiretcho ako sa nerd naming kaklase.

"Paheram naman ako ng notebook mo. Kokopyahin ko lang yung dulo. Hindi ko kasi natapos eh" pagka usap ko sa kanya ng kalmado pero yumuko lang sya at kita kong nagtutubig ang mata nya.

100 Days In a Fake Relationship<3Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz