Chapter 3

14 2 0
                                    

Cris P.O.V

Pauwi na ko galing trabaho. So far ayos naman ang lahat. Napupuri pa nga ako sa bilis kong kumilos. Kaya ang ending ay may libre akong ulam galing kay Aling tabs. Nung sinabi nya sakin ang pangalan nya ay grabe ang pagpipigil ko ng tawa.

Aling tabs? Wengya! Bagay na bagay sa kanya. Hahaha

Nakangiti akong umuwi dahil panigurado ay matutuwa ang dalawang abnoy kong alaga sa dala kong ulam. Adobo ba naman? Eh paborito nila to!

Nasa pinto palang ako at balak ko silang gulatin. Pero na curious naman ako sa pinag uusapan nila dahil halatang seryoso ito.

Ngayon ko lang nakitang ganto ka seryoso si tatay at ang kapatid ko. Madalas kasing naaabutan ko sila na naglalaro. Oo! Isip bata ang tatay ko. Pero pag seryoso ang usapan. Seryoso sya, at hindi ako sanay dun.

"Makinig ka Antonio Luis Villanueba! Wag na wag mong ipapa alam sa ate mo ang nalaman mo. Maliwanag ba?" Seryosong banta ni tatay kay antonio. Ano nanaman kaya ang topic ng dalawang to at kelangang isikreto pa nila saken? Tss.

"Pero tay. Kelangan malaman ni ate! Kelangan nyong magpa ope--"

"Isa Antonio! Hindi mo ito ipa aalam sa ate mo. Tapos ang usapan!" Halatang inis si tatay. Ano naman kaya yun?

Napag desisyunan kong pumasok na at parehas silang nanlaki ang mata ng makita akong seryosong nakatingin sa kanila.

"Ang alin? Alin ang dapat kong malaman?" Dire diretchong tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa na akala moy nag uusap gamit ng mga mata.

"Ahm.. Uhm.. Kasi.. Ate.. Si.. Tatay. Kasi.. Ano.. Merong.. Uhm.. Ano.. Kas-"

"ANO?! Ano ba yun at parang hirap na hirap kang sabihin? Ha Antonio? Anong meron si tatay?! Sagutin mo ko ng matino kundi tatamaan ka talaga sakin!" Nakita kong napanganga sya. Ganto lang to kakulit pero takot to sakin.

Binalingan ko si tatay na tahimik lang at nakayuko. Bakit ba ko kinakabahan? Ano bang meron? Anong tinatago nila sakin?

"Tay? Ano? Ano ba? Sagutin nyo ko!" Alam kong tumataas ang boses ko. Kinakain na kasi ako ng takot.

Dahan dahang nagtaas ng muka si tatay at kitang kita ko ang pamumuo ng tubig sa mga mata nya. Ghaaad. Ang tatay ko umiiyak. Bakit? Bakit...

"Tay. Ano bang meron sa inyo?" Alam ko. Alam kong pati ako ay nanghihina na. Kita kong namumula na ang ilong ni antonio. Gaano ba to kaseryoso? Ano bang nangyayare? Can anyone please tell me?

100 Days In a Fake Relationship<3Where stories live. Discover now